Kuya Kim sa ‘pagbabalik trabaho’ post ni Donnalyn Bartolome: Iba-iba ang blessings, Iba-iba din ang diskarte

Kuya Kim sa ‘pagbabalik trabaho’ post ni Donnalyn Bartolome: Iba-iba ang blessings, Iba-iba din ang diskarte

MAINIT pa ring pinag-uusapan ang controversial post ng social media influencer na si Donnalyn Bartolome na kahit ang Kapuso trivia master na si Kuya Kim ay hindi napigilang magbigay ng sariling opinyon tungkol dito.

Shinare pa mismo ni Kuya Kim ang nasabing post at ayon sa caption ng TV host, “To do something you enjoy and get paid for it is a blessing. 

“Some are not blessed this way despite the fact that they try so hard to find work they enjoy.”

Patuloy na lahad pa niya, “They are blessed differently naman. A good wife? Beautiful kids? Good health? Iba iba ang blessings. 

“Ibat iba din ang diskarte sa ibat ibang break sa buhay. Just my 2 centavos. Back to you guys (happy face emoji)”

Pahabol pa ni Kuya Kim sa comment section ng kanyang FB post, “This post is not meant to put down Donnalyn in any way.”

“She is coming from a good place. The post just hit a raw nerve on the majority of the working public. Mabait si Donnalyn,” aniya.

Maraming netizens naman ang naglabas din ng sarili nilang saloobin sa pahayag ni Kuya Kim tulad ng mga nabasa naming komento.

“Everyone is grateful Donnalyn. But not everyone is blessed to have their dream work or a work that makes them happy… Sometimes they do it so they can earn money… Being sad doesn’t mean they are not grateful… They just feel sad. Yun lang,” sey ng isang netizen.

Lahad naman ng isang fan, “That’s a good one Kuya Kim. We are indeed blessed differently. No need to flaunt our blessings to make others feel unblessed. You are so full of wisdom sir.”

“Actually Kuya Kim, may point naman sinasabi ni Ms. Donnayn we should be grateful. However, not everybody is privilege to have that kind of life,” sabi ng isang FB user.

As of this writing ay burado na ang nag-viral na Facebook post ni Donnalyn na tungkol sa mga taong na nalulungkot dahil balik-trabaho na uli matapos ang selebrasyon ng Pasko at Bagong Taon.

Hindi naman nagtagal na muling nagsalita ang social media influencer at dinipensahan ang sarili laban sa mga negatibong komento sa kanya.

“Hey, thanks to everyone who didn’t take my post negatively. I’m posting to let you know that yung positivity na yun hindi nanggaling sa privilege, matter of fact, it came from experience.. hindi lang talaga ako pala-share ng hirap kasi lagi kong iniisip na baka lalo akong makabigat sa buhay niyo. Mali pala yun.. okay din pala na minsan malaman ng mga tao yung hirap mo at hindi lang yung success mo,” sey ni Donnalyn.

Humingi rin siya ng sorry sa lahat ng mga nasaktan sa naging post niya noong nakaraan.

Lahad niya sa FB post, “Sa lahat ng nasaktan, gusto ko malaman mo pinagdaanan ko din mga sinasabi niyo God knows. Nagcollect ako ng pictures. Dumating ako sa point na lumuluhod ako nagmamakaawa kay God para may makain the next day, pangbayad sa tuition.. sa bahay, bills.”

Related chika:

Donnalyn Bartolome ipinagtanggol ang sarili: Last thing I’d want to do is hurt any of you

Read more...