MUKHANG naging mabenta nanaman sa mga party nitong Holiday Season ang larong “Bring Me” hindi lang sa mga bata, kundi pati na rin sa cute na cute na furbabies.
Kagaya na lamang ng pet dogs na sina Chuchay at Princess na alaga ni Marie Mae Jose ng Bacoor, Cavite.
Maraming netizens ang napa-wow at natuwa sa uploaded video ni Marie na kung saan ay naglalaro ng nasabing parlor game ang kanyang furbabies.
Ang agaw-atensyon ay si Princess dahil siya ang naging bida-bida na naghanap ng mga gamit na binabanggit sa palaro.
Nakapanayam ng BANDERA si Marie at naikwento nga niya na espesyal talaga si Princess.
Tila parang tao din daw ito dahil madalas pa raw niya itong nauutusan.
“‘Nung una, basic tricks lang alam niya tulad ng sit, lay down at apir,” kwento ng uploader.
Patuloy pa niya, “Tapos may toy siya na Pinapa-catch namin. Binabalik niya ‘yun samin para itapon ulit at hahabulin niya. Sumunod, tinatago namin toy niya tapos hinahanap niya.
“Doon ko napansin na special si Princess, madali siyang turuan at doon ko siya sinimulan i-train sa pagkuha ng mga gamit. Basta everytime na sumusunod siya ay may treat siya lagi.”
“Ang unang pinakuha ko sa kanya ay ‘yung kainan niya. Madali niyang natutunan ‘yung kainan dahil alam niya after ‘nun, busog siya,” sabi ni Marie.
Dagdag pa niya, “Then sumunod naman ‘yung remote, favorite niyang damputin ang remote kahit hindi inuutusan. Dati alam nya rin yung wallet, tapos ‘yung tali nila.”
“Then pinapakuha ko rin sa kanya yung susi dati pag uuwi ako galing work. Minsan nakakalimutan niya pero kapag tinuro mo, matatandaan niya ulit na ‘yun pala ‘yun,” aniya.
Nag-advice pa si Marie na kailangan talaga ng mahabang pasensya para ma-achieve ang ganitong level ng tricks sa alagang aso.
Sey ng furmom sa BANDERA, “Kailangan ng pasensya kapag nagte-train ng dogs. Kelangan paulit-ulit mo ituro sa kanila with treats para matandaan nila.
“Pero si Princess, within a day kaya niyang matutunan ang isang trick, pero mga 20 times mo nga lang need ulitin, ganun talaga.”
Patuloy pa niyang kwento, “Nauutusan namin si Princess sa kahit anong pwede niyang damputin. Kapag uuwi kami, kinukuha niya shoes namin galing sa labas at pinapasok niya ito sa loob.”
Nabanggit din sa amin ni Marie na hindi siya makapaniwalang magva-viral ang kanyang furbaby na si Princess.
Masayang-masaya din daw siya dahil nagbibigay ng good vibes sa maraming tao ang kanyang video.
“Hindi ko ineexpect na magva-viral ang video niya. Nagulat na lang ako sa notification ko na andami nang shares. Pero sobrang happy kami dahil nai-share namin sa mga tao ‘yung galing ni princess at marami siyang napahanga.”
As of this writing, umaani na ng mahigit 58,000 Facebook reactions ang video ng “Bring Me” ni Princess at Chuchay.
Related chika:
Payo ni Megan sa mga pet lovers: Your furbaby is like a baby, so dapat isama sila sa budget n’yo