Hugot ni Ice: Bakit hindi pa rin kami ma-recognize sa Pilipinas na kaya namin maging magulang? Just because I’m transman?
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Liza Diño at Ice Seguerra
HABANG hindi pa nila naaasikaso ang matagal na nilang planong magkaanak sa pamamagitan ng IVF (in vitro fertilization), ibang “baby” muna ang aalagaan at palalakihin ng mag-asawang Ice Seguerra at Liza Diño.
Ang tinutukoy namin ay itinatag nilang production company na Fire and Ice na siyang nag-produce at nangasiwa sa awards night ng 5th The EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).
Kamakailan ay nagpa-thanksgiving ang celebrity couple sa ilang members ng entertainment press kasabay ng announcement ng ilan sa kanilang mga projects ngayong 2023.
“This is a new company that Ice and I put together after my turn in FDCP (Film Development Council of the Philippines).
“Thank you all for the wonderful six years that you gave to me and the support that you gave to the FDCP and the programs that we were able to launch and initiate para sa ikalalago ng ating industriya,” pahayag ni Liza.
Nasa event din ang award-winning actress na si Sylvia Sanchez na siyang co-producer ng Fire And Ice with her own production company na Nathan Studios.
Sila rin ang nasa likod ng successful anniversary concert ni Ice Seguerra na “Becoming Ice” last year na magkakaroon nga ng provincial tour this year na magsisimula sa Cebu sa darating na February 18.
Sa naganap na presscon, natanong nga sina Liza at Ice kung ano na ang status ng plano nilang magka-baby. Dito na nga nagbahagi ang OPM icon at singer-songwriter ng mga detalye about IVF.
“Actually kaya kami masipag gumagawa ng shows kasi mahal dito sa Pilipinas number one and number two, hindi lang mahal but the laws doesn’t really support couples like us na magkaroon ng baby dito.
“Number one, if there was to have an IVF it’s not even bawal, it’s unethical because of course hindi kami kinikilalang mag-asawa dito sa Pilipinas so that already is a big issue.
“Number two, kapag ipinanganak yung anak namin sa Pilipinas, sino ang kikilalaning magulang? Ako o si Liza? Hindi puwedeng kaming dalawa, ‘di ba?” pagbabahagi ng singer-actor.
Ang tinutukoy ni Ice ay ang kawalan ng mga batas na magpoprotekta sa kanila ni Liza bilang mag-asawa (kasal sila sa Amerika) at sa magiging baby nila kung sakali.
“So what we have now, the lack of laws for the community is very, very unfair. And sa totoo lang nakakagalit kasi we established that we can actually have a happy home.
“We have a daughter that we are raising together. So bakit hindi pa rin kami ma-recognize na kaya namin maging magulang? Just because I’m transman that means I can’t be a parent?
“So that begs for us to question them na they really have to do something about this because yes ngayon we’re taking strides in terms of kahit paano in television there’s more acceptance for the community.
“But if we really look at the deeper level, we’re still not protected. There’s still no anti-discrimination law di ba? The SOGIE bill is not here yet. I can’t imagine kung gaano katagal pa yun mabibinbin sa kongreso. Yung same-sex union.
“So yeah, it’s disappointing, it’s sad, it’s disheartening that until now nangyayari pa rin yun and marami pa ring hindi mabuong pamilya daahil sa kakulangan ng batas natin,” paliwanag ni Ice.
Para naman kay Liza, “It’s a challenge sa amin kasi we’re considered as celebrities. Initially they allowed na gawin namin dito sa PIlipinas yung IVF, but because we’re celebrities and supposed to be unethical nga siya in the field of medicine, parang nag-back out sila.
“And they informed us that we really have to make time to travel to another country para du’n kami magpapa-IVF tapos saka kami babalik sa Pilipinas.
“And that became the challenge because alam naman natin right now na kakalagpas lang natin sa pandemic so nag-iipon kami ulit ni Ice. May bago tayong baby na Fire and Ice.
“Nagsisimula ako ulit from six years in government. So the priority for our family which is also as important, took over the plans for our baby. Pero it’s there.
“Ako I believe na talagang if it’s there, kung dadating, dadating siya. Katulad din ng mga nangyayari ngayon sa buhay namin, hindi naman namin siya pinaplano, dumadating siya.
“Pero pag nasa harap na namin, we really make the most out of it. So right now this is what’s in front of us and we’re very, very happy and proud of it,” paliwanag ng dating chairperson ng FDCP.