Rocco inisa-isa ang benefits ng ‘skin to skin contact’ sa mga tatay at sanggol: ‘Helps you feel more confident as a father…’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Rocco Nacino, Melissa Gohing at Baby EZ
TULOY-TULOY ang pagse-share ng Kapuso actor na si Rocco Nacino ng ilang helpful tips and practical advice para sa mga first time daddy tulad niya.
Pagkatapos niyang magbahagi ng ilang natutunang kaalaman sa tamang pag-aalaga ng baby kapag ito’y gising hanggang sa pagtulog, may bagong discovery na naman recently ang celebrity dad.
Ito’y kaugnayan naman sa pagkarga at paghele ng mga tatay sa kanilang mga anak nang nakahubad o walang damit pangtaas.
Sa isang short video na ipinost ni Rocco sa kanyang Instagram account, makikitang buhat-buhat niya ang panganay nila ni Melissa Gohing na si Baby EZ.
Sa caption, inisa-isa niya ang mga benefits ng tinawag niyang “skin to skin contact” para sa mga tatay at anak na sanggol. Sabi ni Rocco, ang ilan sa epekto nito ay ang sumusunod:
“Creates a bond with your baby.
“Helps you feel more confident as a father.
“Provides a feeling of protectiveness toward your baby.
“Helps regulate baby’s temperature and heartbeat.
“Calms, soothes, and reduces stress.”
Hirit pang tanong ng Kapuso star, “Dads, how do you bond with your newborns? Please do share as I myself am still learning on how to be a Daddy.”
Nauna rito, nagbahagi rin si Rocco ng isang appreciation post para naman sa mga hardworking mommy tulad ng kanyang wifey na si Melissa.
Aniya sa caption ng ipinost niyang litrato ng kanyang mag-ina, “Many times you doubt yourself as a mother, but you just don’t notice that you are doing everything right and without my guidance. You feel lousy and ugly but these pictures show otherwise.
“Everyday you are blooming with happiness and contentment, even when without sleep.
“I’ll be there to support and guide you when you’re allowed to exercise to get back to your pre pregnancy shape.
“I want to let you know that I am always proud of you @gohingmelissa and you are always doing the greatest job at being a mom, and looking beautiful at the same time!
“To all mommies out there, us men salute you for all sacrifices you make for your children!” mensahe pa ni Rocco Nacino na napapanood ngayon sa GMA series na “Maria Clara at Ibarra” bilang si Elias.