John Prats aksidente lang ang pagpasok sa showbiz sa edad na 8; nagpasalamat sa 30 years niya sa showbiz
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
John Prats at Coco Martin
KNOWS n’yo ba na walang kaplanu-plano noon ang actor-dancer at director na si John Prats na sumabak sa pag-aartista sa murang edad?
Yes, yes, yes mga ka-Marites! Aksidente lang daw talaga ang pagpasok niya sa mundo ng showbiz pero kinarir na rin daw niya ito simula nang kunin siya ng ABS-CBN.
Nagdiwang si Pratty ng kanyang 30th anniversary sa showbiz sa Kapamilya morning show na “Magandang Buhay” kahapon, January 3. At dito nga niya naikuwento kung paano siya na-discover ng ABS-CBN.
Pag-alala ni John, 8 years old siya nang mapasok sa showbiz. Sinamahan lang daw niya ang kapatid na si Camille Prats nang mag-audition ito sa comedy show na “Ang TV.”
At kasunod nga nito, pati siya ay pinag-audition na rin ng production and the rest as they usually say — is history. Kaya naman sabay silang namayagpag noon ni Camille sa mga programa ng ABS-CBN.
Sa 30 taon niya sa industriya, napakarami nang pinagdaanan ni John at marami na rin siyang nagawang proyekto bilang isang loyal Kapamilya.
Naging superhero na siya sa teleserye, naging member ng banda, dancer at naging host na rin. Pero ang isa sa pinakabonggang proyektong nagawa niya ay ang “FPJ’s Ang Probinsyano”.
Hindi lang kasi siya basta artista sa serye ni Coco Martin, nagsilbi rin siyang direktor sa programa na naging daan para maging direktor din sa mga concert at TV specials.
Personal na bumisita sa studio ng “Magandang Buhay” sina Sam Milby at Pooh para batiin si John. Matagap nang kaibigan ni Pratty si Sam samantalang naging close sina John at Pooh sa gag show na “Banana Sundae” at “Banana Split.”
Naging emosyonal naman ang aktor nang mapanood ang video message mula kanyang pamilya, kabilang na ang misis na si Isabel Oli at ang kanilang mga anak.
“Sa buong journey ko, ang parents ko sobrang laking factor. That’s why tumagal din siguro ako ng 30 years kasi sila ang mga taong nagre-remind sa akin to be humble, huwag lalaki ang ulo mo, be professional and do your best.
“And my kids, sila ang inspiration ko that’s why I’m working. Sabi ko nga nung binata ako okay-okay lang, easy-easy lang. May taping okay, kung wala, okay.
“But now parang mas gusto mong magtrabaho nang magtrabaho for their future, hindi ba? Doon nanggagaling ‘yung fire na mayroon ako ngayon is sa wife ko and my kids,” mensahe ni John sa kanyang 30th year sa showbiz.
Dagdag pa niyang pahayag, “Ang gusto ko lang sabihin sa kanya (sa batang John), thank you dahil hindi ka nag-give up.”