Jayson Gainza iniiwasan si Boy Abunda kapag nagkakasalubong sa hallway ng ABS-CBN; gustong gayahin si Alden Richards

Jayson Gainza iniiwasan si Boy Abunda kapag nagkakasalubong sa hallway ng ABS-CBN; gustong gayahin si Alden Richards

Boy Abunda at Jayson Gainza

INAMIN ng Kapuso comedian na si Jayson Gainza na iniiwasan niya noon si Boy Abunda kapag nakakasalubong niya ito sa hallway ng ABS-CBN.

Chika ni Jayson, isa sa mga paborito niyang ginagaya noon sa mga programang pinagbibidahan sa telebisyon at mga live shows ay ang nag-iisang King of Talk na si Tito Boy.

At in fairness, kuhang-kuha ng komedyante ang tawa at istilo ng award-winning TV host kaya naman talagang sumikat siya bilang impersonator ni Tito Boy na isa na uling Kapuso.

Kaya naman sa panayam ng “Mornings with GMA Regional TV” hiningan siya ng mensahe para kay Tito Boy sa pagbabalik nito sa GMA 7.

“Message ko lang kay Tito Boy. Tito Boy, unang-una, sana ako naman yung gayahin niyo,” birong chika ni Jayson.

Kasunod nga nito ay naikuwento niya na kapag daw nakikita niya sa hallway ang talent manager at veteran TV host ay umiiwas siya at nag-iiba ng daan dahil nahihiya  raw siya.


“Pero mabait naman si Tito Boy nung nag-guest ako sa show niya,” sey pa niya.

Of course, masayang-masaya raw si Jayson na pareho na silang Kapuso ni Boy Abunda at ang wish daw niya ngayong 2023, “Sana maituloy ko uli yung pag-iimpersonate ko sa kanya.”

Bukod kay Tito Boy, may isa pang Kapuso star ang nais niyang i-impersonate in the future — yan ay walang iba kundi ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards.

“Si Alden nga gusto ko rin impersonte kaso lang nahihirapan pa ako… mga two months kaya ko na,” sabi pa ng Kapuso comedian na isa na rin certified Kapuso Sparkpe artist.

Isa siya sa mga ipinakilala sa naganap na “Signed for Stardom” mass signing event ng Sparkle GMA Artist Center noong November. Muli siyang mapapanood sa second season ng comedy series na “Happy Together” na pinagbibidahan ni John Lloyd Cruz.

Jayson Gainza opisyal nang Kapuso, nagpasalamat sa ABS-CBN

Liza, Enrique wala pa ring litrato sa hallway ng ABS-CBN; Kim dedma lang sa bashers

Ogie Diaz kinontra ng netizens; Liza, Enrique may picture na sa ABS-CBN hallway

Read more...