Pinoy fans nag-alay ng dasal para kay ‘Hawkeye’ Jeremy Renner matapos maaksidente habang nag-aararo ng yelo; sumailalim sa 2 surgery

Pinoy fans nag-alay ng dasal para kay 'Hawkeye' Jeremy Renner matapos maaksidente habang nag-aararo ng yelo

Jeremy Renner

NAG-ALALA ang mga fans ng Hollywood actor na si Jeremy Renner nang mabalitang nasa kritikal pa rin nitong kondisyon matapos maaksidente.

Nangyari umano ang insidente habang nag-aararo ng yelo ang “Avengers” actor nitong nagdaang Linggo, January 1, 2023 (January 2, sa Pilipinas).

Ayon sa official statament na inilabas ng kampo ni Jeremy kahapon, kritikal pero nasa stable condition na raw ang 51-year-old na aktor. Ilang surgery daw ang kinailangang gawin sa kanya dahil sa tindi ng tinamong injury.

Kinailangan pa raw ilipad ng eroplano ang Hollywood star para maisugod agad sa ospital at mabigyan ng kaukulang lunas.

Walang nabanggit kung saan mismo nangyari ang snow-plowing accident pero may balitang ito’y naganap malapit sa bahay ni Jeremy sa Mt. Rose-Ski Tahoe. Napag-alaman na isa ito sa mga  pinakamatinding nakaranas ng winter storm sa Amerika.

“We can confirm Jeremy is in critical but stable condition with injuries suffered after experiencing a weather-related accident while plowing snow earlier today.

“His family is with him, and he is receiving excellent care,” pahayag ng kampo ni Jeremy.


Naaksidente ang aktor anim na araw bago sumapit ang kanyang 52nd birthday sa January 7, 2023.

Sa social media, sunud-sunod ang pagpo-post ng netizens ng mga ng panalangin para sa agad na paggaling ni Jeremy.

Sa mga hindi pa aware, si Jeremy Renner ang gumanap na Hawkeye sa “Avengers” ng Marvel Cinematic Universe.

Pero una siyang nakilala at sumikat sa Pilipinas sa karakter niya bilang si Jason Bourne sa Hollywood film na “The Bourne Legacy” na ipinalabas 2012. Dito sa Pilipinas kinunan ang ilang highlights ng nasabing pelikula.

Nag-shooting sila sa ilang bahagi ng El Nido, Palawan, San Andres, Intramuros, Marikina, Navotas at Sta. Mesa sa Manila. Nakasama rin ni Jeremy sa pagsu-shooting sa Pilipinas ang veteran Hollywood actress na si Rachel Weisz.

Suot ang ating ipinagmamalaking Barong Tagalog, nabigyan din siya ng pagkakataon na mag-courtesy call noon kay dating Pangulong Noynoy Aquino taong 2012.

Pia Wurtzbach ayaw nang bonggang-bonggang kasal: I want a really private and intimate wedding

Andrew Schimmer sa lagay ng misis: Everything is going smoothly!

Pia Wurtzbach, Jeremy Jauncey hindi pa engaged: ‘Walang marriage proposal na nangyari’

Read more...