Kim Chiu, Xian Lim ‘lovers in Paris’ ang emote sa France, sweet na sweet sa Eiffel Tower

Kim Chiu, Xian Lim 'lovers in Paris' ang emote sa France, sweet na sweet sa Eiffel Tower

Xian Lim at Kim Chiu

ENJOY na enjoy ang Kapamilya actress at TV host na si Kim Chiu sa paglalamiyerda sa Paris, France kasama ang kangyang longtime boyfriend na si Xian Lim.

Sa latest Instagram post ng dalaga, makikita ang mga bonggang litrato at video nila ni Xian na kuha sa ilang magagandang tourist attractions sa Paris.

Pero para kay Kim, ang pamamasyal at pictorial nila ni Xian sa iconic Eiffel Tower ang pinaka-highlight ng pagpunta nila sa Paris base na rin sa caption ng kanyang inilagay.

“First time to see the Eiffel Tower at night and it feels magical! Word for the night, ineffable,” sey ng Kapamilya star.


Sa isa pa niyang IG post, pinasalamatan ni Kim ang kanyang boyfriend na game na game ring naglakad nang bonggang-bongga para malibot ang mga sikat na lugar sa Paris.

“Thank you for coming into my life. Wouldn’t trade you for the world,” mensahe ni Kimmy kay Xian.

Sa France nag-celebrate ng holiday season ang celebrity couple. Kuwento ni Kim sa isa niyang vlog, sa eroplano raw sila inabot ng Pasko kaya naman pagdating na pagdating nila sa Paris ay agad nilang nilibot ang tinaguriang City of Love.

In fairness, isang dekada nang magkarelasyon sina Kim at Xian. Taong 2012 pa sila nagsimulang mag-date pero noong 2018 lamang nila inamin sa madlang pipol ang kanilang relationship.

Heart dedma pa rin kay Chiz, hirit sa pagbabalik-Pinas: I’m back with a vengeance, welcome to the season 3 of my life!

Coleen, Billy sa 3 buwang pagtira sa France: Ibang experience kasi wala kaming katulong, so we do everything ourselves

John Lapus 3 beses nalaos: May time limit naman talaga ang mga baklang artista

Read more...