Dimples Romana sa nakuhang ‘Best Supporting Actress” sa MMFF: A risk worth taken, a blessing unforeseen

Dimples Romana sa nakuhang ‘Best Supporting Actress” sa MMFF: A risk worth taken, a blessing unforeseen

PHOTO: Instagram/@dimplesromana

LUBOS ang pasasalamat ng award-winning actress na si Dimples Romana sa nakuhang patimpalak sa “Gabi ng Parangal” ng Metro Manila Film Festival (MMFF).

Kinilala siyang “Best Supporting Actress” para sa kanyang pagganap sa drama film na  “My Father, Myself.”

Hindi siya nakadalo sa awards night kaya idinaan nalang niya ang kanyang tila acceptance speech sa social media.

Sa Instagram ay ibinandera niya ang isang video clip na kung saan ay ang buong cast ng pelikula ang kumuha ng kanyang award sa stage.

Tila hindi makapaniwala ang aktres sa kanyang panalo at inilarawan pa niya ito bilang isang biyaya sa kanyang buhay.

Caption ni Dimples sa IG post, “Biggest pahabol blessing (gift emoji) Father God, I feel unworthy and yet you bless me still with so much more than what I feel I deserve (pleading face emoji).”

Ikinuwento pa ng aktres na nagsilbing inspirasyon sa kanya ang mga artistang nakasama niya sa pelikula.

Sey ni Dimples, “So fitting that Jake, Quinn, Sean and Tiff accepted the award on my behalf because my work as Amanda would not have been as stellar if not for the strong commitment to excellence everyone on set have put out for our film.”

Patuloy niyang chika, “Silang apat kasama pa sina Direk Joel, Nay Len, Mother Dennis and the whole team inspired me to give it my very best to make sure my work is at par with theirs. What a joy to work with people who empower you to do be better always.”

Dagdag pa niyang sabi, “I remember the phone call I received for this project from Mother Dennis and Nay Len, and it may not be the usual film that would be offered to me but I understood my place as an actress to play the role of Amanda, the wife of Robert who loves him unconditionally with every facet and complexity of his character.”

Ibinahagi rin ng award-winning actress ang aral na natutunan niya sa kanyang ginampanang karakter sa pelikula bilang si “Amanda.”

“Amanda was suffering, she was pained and yet she chooses to forgive, to understand BECAUSE SHE LOVES (red heart emoji),” post ni Dimples.

Aniya, “Love is such a powerful tool to push us all beyond our comfort zones and propel us to heights with which we think we’d never reach (red heart emoji).”

Sa bandang huli ng kanyang mensahe ay inisa-isa na niya ang mga taong sumuporta, nagtitiwala at nagmamahal sa kanya upang pasalamatan.

Caption niya, “A risk worth taken. A blessing unforeseen, unexpected but definitely EMBRACED. Thank you po @mmffofficial , my @abscbn @starmagicphils Tay @direklauren Kuya @alan_m_real sa patuloy na pagaalaga, pagmamahal at pagtitiwala (red heart emoji)”

“And to my family @papaboyetonline @callieahmee #AlonzoRomeoJose #ElioJuanManolo none of this would be possible if not for your constant love, support, forgiveness and understanding of my passion as an actor. One day I hope to make you proud (red heart emoji),” sey ng aktres.

Ani pa ni Dimples, “Sa lahat ng mga Amanda, na patuloy na nagmamahal at umuunawa, yumayakap sa mga taong mahal natin ng Walang pagtatanong, pagaaalinlangan at panunumbat, anuman ang kasarian natin, ang pagmamahal ay pagmamahal. Padayon (red heart emoji)”

Related chika:

Dimples Romana tumangging gawin ang lesbian movie, sagot sa direktor: ‘Hindi pa po yata ako handa’

Read more...