MAGANDANG araw po! may itatanong lang po ako kung ano ang benepisyo ang maibigay ng PhilHealth? Isa po akong OFW dito sa Jeddah, regular po akong nagbabayad sa PhilHealth everytime na nakabakasyon ako.
Isa po akong diabetic, every month nasa hospital ako for check-up at para rin makakuha ng gamot kasi po may health card kami na binigay ng kompanya, kaya lang nagbabayad kami ng 50 riyal parang initial payment.
Ibig sabihin po n’yan bawat punta namin sa hospital for check-up nagbabayad kami ng 50 riyal kasi yon ang reglamento ng bupa health card. Ang tanong ko po pwede ba maire-fund sa Philhealth yong binayad namin na 50 riyal. Maraming salamat po.
Samuel Genon
REPLY: Pagbati mula sa Team PhilHealth!
G. Samuel Genon: Para po sa karagdagang impormasyon hinggil sa inyong katanungan, nais po naming linawin na sa kasalukuyan ang check-up at ang mga gamot o maintenance drugs para sa inyong sakit na diabetis ay hindi pa po sakop o binabayaran ng PhilHealth.
Samantala, gaya po ng nabanggit namin sa naunang email, upang makagamit ng benepisyo sa PhilHealth kinakailangan po na may confinement ng hindi bababa sa 24 oras dito sa Pilipinas o sa ibang bansa. Binabayaran din ng PhilHealth ang mga piling day surgery na isinagawa sa accredited na ospital/pasilidad ng PhilHealth.
Para makakuha ng benepisyo sa pagpapa-ospital i-sumite ang mga sumusunod: Outright/Automatic Deduction of Benefits 1. Isumite sa billing section ng Ospital ang mga sumusunod bago ang paglabas:
PhilHealth Claim Form 1 (original)
Member Data Record (MDR)
2. Makipag-usap sa inyong doktor kung magkano pa ang babayaran para sa Professional Fee matapos matanggal ang benepisyo ng PhilHealth.
3. Matapos mapasa ang mga kailangang dokumento, itutuus at ibabawas ng billing section ang halaga ng benepisyo mula sa kabuuang halaga ng inyong bayarin sa Ospital.
Direct Filing/Reimbursement:
Isumite ang mga sumusunod sa PhilHealth kasama ang mga dokumentong nabanggit kanina sa loob ng 60 araw mula sa araw ng paglabas sa Ospital.
PhilHealth Claim Form 2 (manggagaling sa ospital/doktor)
Official receipts or hospital and doctor’s waiver
Operative record kung may operasyon na isinagawa.
Confinement Abroad
Isumite ang mga sumusunod sa loob ng 180 araw mula sa araw ng paglabas sa Ospital. Ang benepisyo ng pagkaka-ospital sa ibang bansa ay ayun sa Level 3 Hospital benefit rates.
PhilHealth Claim Form 1
MDR or supporting documents or Proof of applicable premium payments
Original official receipt or detailed statement of account (written in English)
Medical certificate (written in English) indicating the final diagnosis, confinement period and services rendered
Sana po ay nabigyang linaw ang inyong mga katanungan.
Maraming
Salamat po.
Clint John Garrol
Social Insurance Officer II
CORPORATE ACTION CENTER
Website: www.philhealth.gov.ph
Twitter: @teamphilhealth
Facebook: www.facebook.com/PhilHealth
Call Center: 441-7442
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag- lingkuran sa abot ng aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City.
Maaari rin kayong mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph. Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!