MULING nagpatawa sa social media ang komedyante at aktor na si Michael V o mas kilala bilang Bitoy.
“Yan ay matapos niyang ibandera ang outfit of the day (OOTD) noong Miyerkules na naka-all black na damit at black hat.
Caption pa niya, “Medyo napuyat ako dahil sa lamig. But here’s my OOTD for ‘Wednesday.’”
Maraming netizens naman ang napa-comment sa post at sinabing naging kamuka ni Bitoy ang isa sa mga karakter sa hit series na “Wednesday”, si Uncle Fester.
“t’s more look like Uncle fester in Wednesday’,” comment ng isang fan.
Sey ng isang netizen, ”kaya pala nung pinapanuod ko to sabi ko parang may kamukha tong si Uncle Fester pero hindi ko mawari kung sino hahaha (laughing face emoji).”
Biro ng isa pang IG user, “Uncle Fester… Pero pag inalis ‘yung sumbrero, pwede na ring Padre Salvi (laughing face emojis)”
Para sa kaalaman ng marami, si Uncle Fester ay isa sa mga kamag-anak ng fictional character na si Wednesday Addams na kayang mag-generate ng kuryente mula sa kanyang katawan.
Noong Oktubre lamang ay nag-trending din si Bitoy matapos muling kumalat sa social media ang dating niyang litrato kasama ang kanyang mga anak.
Kapansin-pansin kasi doon ang tila “spitting image” ng komedyante at ng kanyang anak na lalaki na nakasaad pa sa caption ay, “Si Bitoy at ang anak ni Bitoy na mas mukhang Bitoy kaysa kay Bitoy.”
Related chika:
Litrato ni Michael V kasama ang 2 junakis mabenta sa socmed: ‘Mas mukhang Bitoy kesa kay Bitoy!’