AYAW tanggapin ng OPM icon at award-winning singer-composer na si Jose Mari Chan ang titulong ikinakabit sa pangalan niya na “Mr. Christmas”.
Sa loob ng mahabang panahon, si Jose Mari Chan ang nagsisilbing hudyat ng pagsisimula ng holiday season sa Pilipinas dahil sa kanyang mga classic Christmas songs.
Sa katunayan, pagpasok pa lang ng “Ber months” ay pinatutugtog na ang walang kamatayang kanta niyang “Christmas In Our Hearts” na naging Pambansang Pamaskong kanta na ng mga Filipino.
Bukod dito, taun-taon ding nagba-viral at nagte-trending ang mga nakakatuwa at nakakaaliw na social media memes gamit ang kanyang mukha.
Sa interview ng programang “Sakto” kahapon, sinabi ng premyadong singer-composer na may gusto niyang tawagin siyang “Little Drummer Boy” na nagsisilbing messenger sa pagsisimula ng Christmas season kesa sa “Mr. Christmas.”
“I am sorry, but I don’t want to be called Mr. Christmas. I don’t want too much attention to be taken away from the real meaning of Christmas.
“Ako, I am just the messenger. I am the little drummer boy that announces the advent of the Christmas season,” paliwanag ni JMC.
Bukod sa “Christmas in Our Hearts,” ilan pa sa mga classic hits ni Jose Mari Chan na laging pinatutugtog tuwing sasapit ang Kapaskuhan ay ang “Going Home to Christmas” at “A Perfect Christmas.”