MMFF 2022 Review: Heaven pang-best actress ang aktingan sa ‘Nanahimik Ang Gabi’, hindi nagpalamon kina Ian at Mon
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Ian Veneracion, Heaven Peralejo at Mon Confiado
HINDI na kami magtataka kung si Heaven Peralejo ang magwaging best actress sa gaganaping Gabi Ng Parangal tonight para sa Metro Manila Film Festival 2022.
Napanood na namin ang entry niyang “Nanahimik Ang Gabi” kung saan nakasama niya sina Ian Veneracion at Mon Confiado sa direksyon ni Shugo Praico under Rein Entertainment.
In fairness, shookt kami sa akting na ipinakita ng Kapamilya actress sa naturang pelikula dahil ibang-ibang Heaven Peralejo ang napanood namin sa big screen.
Agree kami sa naging reaksyon ng ilang nakapanood na sa “Nanahimik Ang Gabi” na pang-best actress ang aktingan ng dalaga at hindi talaga siya nagpalamon kina Ian at Mon na napagaling din sa movie.
Sigurado rin kami na malakas ang laban nina Ian at Mon sa pagka-best actor at best supporting actor na nagpatalbugan din nang bonggang-bongga sa pelikula.
Sa kabuuan, napakaganda ng “Nanahimik Ang Gabi” at kakaiba rin ang kuwento at tema nito at talaga namang pasabog ang twist sa ending.
Hindi na namin siyempre ikukuwento kung ano ito para mawindang din kayo kapag pinanood n’yo.
Basta ang masasabi lang namin, sure na sure kami na pag-uusapan ito ng bonggang-bongga. Bukod pa riyan ang mga makapigil-hininga at nakakanerbiyos na eksena sa bandang gitna ng pelikula.
Samantala, super thankful naman si Heaven sa lahat ng pumuri sa kanya sa pelikula, “Sobrang masaya po ako bilang aktres. Parang…at least nakikita po nila yung passion ko with my work.
“Then, nakita nila onscreen. Sana po maraming mga kababayan natin ang manood kasi, this is more than a sugarbaby-sugardaddy story.
“This is a social commentary film that everyone should watch and think about their perspective in life,” aniya pa.
Dagdag pa ng aktres matapos mapanood ang pelikula, “First time ko po nakita ang sarili ko na ganu’n, para akong ah, ‘Si Heaven ba talaga ‘yan?’
“Parang I didn’t see myself doing it, parang I gave my all in this film and the one that you’ll see in this film is another Heaven, so I am very excited for you to watch the whole film,” aniya pa.
At dahil nga sa pelikulang ito, ang tanong kay Heaven ay kung magtutuluy-tuloy na ba ang pagpapaka-daring niya sa kanyang next projects.
“Siguro, ibibigay ko na po sa kanila ‘yun kasi i think when it comes to my craft siguro parang planado lahat ng ginagawa ko, whatever I choose, whatever my character I put in to, parang everything is calculated so, I don’t think I can see myself in that kind of sense,” sagot ni Heaven.