Pangulong Marcos sa publiko: Celebrate Christmas with simplicity, sense, and meaning

 

Pangulong Marcos sa publiko: Celebrate Christmas with simplicity, sense, and meaning

MALACAÑANG PHOTO

NGAYONG araw ng pasko ay nagpaabot ng mensahe sa publiko si Pangulong Bongbong Marcos.

Sa inilabas na pahayag ay hinihimok niya ang publiko na ipagdiwang ang Kapaskuhan na may “simplicity, sense, and meaning.”

Sinabi pa niya na huwag gawing basehan ang spirit of Christmas sa mga nakikitang palamuti, bagkus raw ay makibahagi ngayong holiday upang magkaroon ng kahulugan sa ating buhay.

“Let our spirits not dwell on the adornments that we display, on the buzz and activities we create, nor on the lack thereof,” nakasaad sa mensahe ng pangulo.

Dagdag pa niya, “Instead, let us partake in this holiday with the same simplicity, sense, and meaning that we get from it.”

Patuloy pa ng presidente, “It is this pure and simple love that Christmas represents. Across beliefs, all the generosity and goodwill stirred in this season are welcomed.

“Surely, embracing these will help us overcome the difficulties brought by the pandemic and other challenges.

Iginiit pa niya sa publiko na magkaroon ng kahit simpleng komunikasyon sa mahal sa buhay at sa kapwa, gaya ng pag ngiti at pangangamusta.

Sey ni Pangulong Marcos, “Let our affection be known and felt in the simplest of ways so that the eternal message of the Nativity of Christ may again spark hope for a brighter future in the hearts of all.”

“I wish everyone a Christmas full of love, compassion, and hopeful beginnings,” aniya.

Upang magkaroon pa ng mas maraming oras ang pagsasama ng mga pamilya ay idineklara nang “special non-working day” ang December 26.

Related chika:

Imee Marcos tinawag na ‘gangster kusinera’ at pinarurusahan daw sa pagiging intrimitida; naglabas ng sariling cookbook

Read more...