Regine Velasquez sa anniversary nila ni Ogie Alcasid: After 12 years mas mahal pa kita kaysa noon

Regine Velasquez sa anniversary nila ni Ogie Alcasid: After 12 years mas mahal pa kita kaysa noon

PHOTO: Instagram/@ogiealcasid

MULING binalikan ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez ang istorya ng kanyang lovelife kasama ang kapwa-singer at asawa niya na si Ogie Diaz.

Ipinagdiriwang kasi ng mag-asawa ang kanilang ika-12th wedding anniversary.

Sa isang Instagram post ni Regine, ibinandera ng singer ang isang compilation video na ipinapakita ang ilang throwback pictures nilang dalawa.

May kalakip pa itong sweet caption na, “After 12 years kinikilig pa rin ako (face with tears of joy emoji) after 12 years ikaw pa rin pinaka puge (smiling face with heart eyes emoji) after 12 years tawang tawa pa rin ako sayo (rolling on the floor laughing emoji) after 12 year umiiyak pa rin ako pag umaalis ka (crying face emoji) after 12 years mas mahal pa kita kesa noon (smiling face with hearts emoji) Happy Anniversary Baba”

Napa-comment naman siya mismo si Ogie at sabi niya, “Ang ganda naman nito mahal (red heart emojis) ang sarap mong mahalin. Ikaw ay tunay na ligaya. Ikaw ay pag ibig.”

Sa Instagram account ni Ogie, may post din siya siyempre para kay Regine.

Ibinahagi niya ang ilang sweet photos nilang dalawa kasama ang isang sweet message.

Sey niya sa caption, “Happy 12th anniversary to the love of my life.

“Singing with you on our special day made me feel so in love with you all over again.”

“What a blessing (smiling face with hearts emojis) mahal na mahal kita @reginevalcasid,” aniya.

Bukod sa libo-libong fans, maraming kapwa-singer rin ang bumati sa dalawa.

Comment ni Lani Misalucha, “Happy Anniversary mare and Pa Ogie! (red heart emojis)”

“Happy 12th! A love like yours will truly last a lifetime,” sey ni Jaya.

Sabi naman ni Julie Anne San Jose, “Happy anniversary ate and kuya (red heart emoji)”

Ilan pang artista na bumati sa kanila ay sina Melai Cantiveros, Ryan Bang, Jee Madela, Janno Gibbs, at marami pang iba.

Taong 2010 nang ikinasal sina Regine at Ogie sa Batangas.

Matapos ang isang taon ay nabiyayaan sila ng isang anak na si Nate.

Related chika:

Ogie Alcasid niregaluhan ng bagong sasakyan ang inang nag-celebrate ng 90th birthday: ‘Love you so much, Ma!’

Read more...