Dennis Trillo, Barbie Forteza, Julie Anne San Jose
NAGSANIB-PWERSA ang production at creative team ng phenomenal Kapuso series na “Maria Clara at Ibarra” at Ayala Foundation, Inc., kung saan muli nilang ibabandera ang kabayanihan ni Dr. Jose Rizal.
Ito’y para sa 7th edition ng Digital Magiting Conference with the theme “Rizal Revealed: Muling Kilalanin ang Magiting na Bayani” na gaganapin sa December 29, at magpi-premiere sa Ayala Foundation Facebook page.
Present sa naganap na digicon ng nasabing proyekto ay sina GMA Senior Vice President for Entertainment Group Lilybeth G. Rasonable; Vice President for Drama Cheryl Ching-Sy; Creative Consultant of Maria Clara at Ibarra, Suzette Doctolero; the show’s director, Zig Dulay; at Kapuso Drama King Dennis Trillo na siyang gumaganap na Ibarra sa “Maria Clara at Ibarra.”
Ayon kay Rasonable, “One of the most nerve-wracking processes para sa aming mga producer ay ang mag-present sa top management lalo na kapag ang konsepto ay kakaiba.
“But I am proud to say that those concepts were the ones greenlighted by our bosses. And we thank our top management because that is the reason why the Entertainment Group has been able to present a really wide range of topics,” aniya pa.
Sabi naman ni Ching-Sy, “At that time we were looking for material that will challenge the drama department in all aspects of production. It was Atty. Annette Gozon-Valdes who came up with the idea.
“Sabi niya, ‘why don’t we do a retelling of Noli Me Tangere and El Filibusterismo?’ And then Suzette Doctolero took the challenge and she added the element of Gen Z to resonate with the younger audience,” dagdag ng TV executive.
Sey naman ni Doctolero, “Ang mga akda ni Rizal ay napaka-relevant pa rin hanggang ngayon. Kung ano ang usapin tungkol sa exploitation ng mga Pilipino noon ay nagaganap pa rin ngayon.
“Ang Noli Me Tangere ay napakayaman na content para i-adapt sa soap opera. Bilang manunulat, ang ambag namin para sa nation building ay ituro ang ganda ng kultura at kasaysayan natin kasi ang sarap maging Pilipino,” dugtong ng writer.
Para naman kay Direk Zig Dulay, “Noong sinabihan ako na ire-reimagine ang obrang ito, sobrang saya ko kasi sino lang ba ‘yung nabibigyan ng pagkakataon para makaambag sa bansa gamit ang sining.
“Super favorite ko ang Noli at El Fili dahil bukod sa great love story nina Maria Clara at Ibarra, itinataas niya rin ang konsepto ng pag-ibig maging sa bayan at sa sarili bilang isang Pilipino.
“Sa isang henerasyon kung saan usong-uso ang fake news, ang saya sa pakiramdam na magtanghal ng ganitong klase ng teleserye.”
Sabi naman ni Dennis, “Magandang pagkakataon ito na ituro sa kanila ang mga likha ni Rizal at malaman ng bawat Pilipino na siya ay isang halimbawa na dapat tularan, lalo sa kanyang adhikain para sa bayan at kabataan.
“Hindi siya natakot kahit ganito ka-dark ang kwentong isinulat niya kaya’t na-expose ang sitwasyon ng mga Pilipino noong panahon ng pananakop ng mga Kastila,” sabi ng mister ni Jennylyn Mercado.
Aniya pa, “Pinatunayan ni Rizal ang kagitingan niya sa pamamagitan ng paglaban kung ano ang tama at makatarungan. Malaki ang role namin para ipakita sa kabataan ang ganda ng bansa at mga katangian natin para mas lalo nilang mahalin ang pinagmulan nila.”
Julie Anne, Barbie bubuhayin ang alaala ni Jose Rizal; ‘Idol Philippines’ talbog ng ‘Running Man PH’ sa ratings game
Darryl Yap puring-puri ang ‘Maria Clara at Ibarra’ nina Barbie, Dennis at Julie Anne: Hindi nakakabato, hindi kailangan ng hype
Dennis Trillo sa pagganap bilang Crisostomo Ibarra: Sobrang bigat kaya parang hindi ka puwedeng magkamali…