Angel Guardian waging Ultimate Runner ng ‘Running Man PH’: Feeling ko naman, ginawa ko ‘yung best ko to deserve this!

Angel Guardian waging Ultimate Runner ng 'Running Man PH': Feeling ko naman, ginawa ko ‘yung best ko to deserve this!

Angel Guardian

WAGI ang Kapuso Sparkle actress na si Angel Guardian bilang kauna-unahang Ultimate Runner ng hit reality game show na “Running Man Philippines” ng GMA 7.

After 32 episodes at mahigit 45 days na pananatili sa South Korea, itinanghal ngang grand winner si Angel sa Pinoy version ng nasabing Korean reality competition.

Tinalo ng dalaga sa nakakaloka at nakakatuwang bardagulan sa Korea ang mga kapwa runners na sina Glaiza de Castro, Ruru Madrid, Buboy Villar, Lexi Gonzales, Kokoy de Santos at Mikael Daez.

“Maraming nangyari. Pero happy ako, happy ako for this,” ani Angel nang tanggapin ang golden necklace bilang Ultimate Runner ng season 1 ng “Running Man PH.”

“Feeling ko naman, ginawa ko ‘yung best ko to deserve this,” aniya pa.


Napanood ang ultimate battle ng mga runners last Sunday, December 18, kung saan naglaban-laban ang lahat gamit ang kani-kanilang “superpower cards.”

Lahat ng runners, tinarget si Boss G (Glaiza) dahil tatlo pa ang buhay niya o ang kapangyarihang muling sumali sa name tag race ng tatlong beses.

Ngunit sa kabila nito, natsugi rin si Glaiza kasama ang mga lalaking runners na sina Mikael, Buboy at Ruru.

Sa final round, sina Lexi at Angel nga ang huling nagbardagulan pagkatapos gamitin nang una ang kanyang “death note power” para tuluyan nang mapatalsik si Kokoy.

At sa ending nga, nakuha ni Angel ang titulo bilang Ultimate Runner. Sa Instagram post ng aktres, sinabi nitong nasa cloud 9 pa rin siya hanggang ngayon at hindi makapaniwala sa kanyang pagkapanalo.

“To my co-mananakbos i just wanna say na love na love ko kayo and grateful ako sa inyo–the family that’s been built during the making of RMPH is incomparable,” ang caption ni Angel sa kanyang Instagram Reel.

“I never thought na magiging ganito kasaya at ka tight ang samahan natin. Salamat Runners!! At salamat sa lahat ng sumuporta at nagtiwala! Mahal namin kayo!!” dagdag pa niya.

Marami naman ang nagkomento na nalulungkot sila sa pagtatapos ng “Running Man PH” tulad na lang isang netizens na naging emosyonal pa raw matapos ang season finale.

“Nakakaiyak ang last episode. Ang saya ng pinagsamahan nila. Thank you, PH runners! You did a great job! You all exceeded our expectations as RM OG fans. Hope to see you on RMPH Season 2. Sana same cast pa rin dahil kayo ang minahal namin. Keep fighting,” sabi ng isang Facebook user.

Ang tanong, “will there be a Running Man Philippines Season 2?” Yan ang kailangang abangan ng mga Kapuso viewers.

Aiko nakiusap na pagbigyan siyang magbalik-teleserye: Yung kikitain ko po idadagdag ko rin sa ipangtutulong ko

Sino nga ba ang ‘ultimate leading lady’ ni John Lloyd Cruz?

Ruru Madrid binansagang ‘Trending King’; hataw na sa Lolong, nagba-viral pa sa ‘Running Man PH’

Read more...