Solenn Heussaff ipinasilip na sa publiko si Baby Lionel; tuloy ang pagiging proud ‘padede mom’

Solenn Heussaff ipinasilip na sa publiko si Baby Lionel; tuloy ang pagiging proud 'padede mom'

Solenn Heussaff, Nico Bolzico at Baby Lionel

IPINASILIP na ng Kapuso actress-TV host na si Solenn Heussaff sa publiko ang itsura ng second baby nila ng asawang si Nico Bolzico.

Base sa mga social media post ng celebrity couple, pinangalana nila ang bagong-silang na anak na Lionel, na kung hindi kami nagkakamali ay nagmula sa Argentine football great na si Lionel Messi.

Kahapon, December 18, nag-post si Solenn sa kanyang Instagram Story ng litrato nila ng kanyang newborn daughter habang pinadedede niya ito.

Aniya, handa na siyang umuwi mula sa Makati Medical Center kung saan siya nanganak, “Finally debloating a little and ready to go home. Makati Med and team has been awesome.”


Nitong nagdaang Huwebes isinilang ni Solenn ang ikalawang anak at una nga itong ibinandera ng asawa niyang si Nico through a short Instagram video.

Aniya, “What a crazy day today! Argentina qualified to the finals of the World Cup with Messi playing a great game. And we just had a super healthy baby girl.”

Hirit pa niya, “My daughter being born is one million times more important than the finals of the World Cup and it’s very unfortunate that I mentioned them both in my previous comment.”

Bukod nga kay Baby Lionel, may isa pang anak sina Solenn at Nico, ang lumalaki na ring si Thylane.

Payo ni Solenn sa mga taong ‘yes lang nang yes’: Speak up, it’s one thing I’m not good at…I’m a people pleaser

Read more...