Love Añover nag-resign na sa GMA makalipas ang 2 dekada bilang Kapuso, lilipat daw sa ibang TV network?

Love Añover nag-resign na sa GMA makalipas ang 2 dekada bilang Kapuso, lilipat daw sa ibang TV network

Love Añover

TULUYAN na ngang iniwan ng Kapuso TV host na si Love Añover ang GMA Network makalipas ang mahigit dalawang dekada.

Idinaan ng “Unang Hirit” host sa kanyang Facebook account ang kanyang pamamaalam sa lahat ng mga Kapuso sa gitna ng mga chika na lilipat na siya sa ibang TV network.

Walang ibinigay na eksaktong dahilan si Love sa pag-alis niya sa GMA 7 na naging ikalawang tahanan na niya sa loob ng 20 taon. Todo ang pasasalamat niya sa Kapuso station sa lahat ng programang ipinagkatiwala sa kanya.

Narito ang bahagi ng mensahe si Love kalakip ang litrato ng GMA Network building at ng kanyang Walk of Fame star.

“Buong-pusong pasasalamat sa dalawampu’t isang taon bilang Kapuso.

“Hindi lang buhay ko ang nabago ng pagkakataon na ibinigay ng GMA Network, kundi kasama po ang aking buong pamilya!” simulang pagbabahagi ng TV host.

Pagpapatuloy pa niya, “Tinupad po ninyo ang aking pagnanasa bilang panganay na anak na mabigyan ng disenteng buhay ang aking mga magulang, mga kapatid, at mga pamangkin mula sa buhay na nagdarahop at walang-wala!”

Pinasalamatan ni Love ang mga bossing niya sa GMA, pati na ang lahat ng co-host niya sa “Unang Hirit” at mga nakatrabaho niya sa lahat ng mga ginawa niyang programa sa Kapuso station.


“Sila ang mga tao na alam kong itinalaga ng Panginoon na tulungan ako para maisakatuparan Niya ang kanyang mga plano para sa akin. Angels on Earth! Lord, salamat po!” sabi pa ni Love.

Nauna nang nagpaalam si Love sa “Unang Hirit” kamakailan. Nag-post pa ang kanyang “UH” barkada sa Instagram ng mensahe para sa kanyang pag-alis, “LOVE na LOVE natin ang kanyang dumadagundong na boses at tawa na gumigising sa atin tuwing umaga.

“Kasama rin tayo sa adventures niya mula sa pagiging ‘Reyna ng Kalsada’ hanggang sa pagfu-food trip as official ‘Eat girl’ ng UH barkada! Mula sa iyong UH family— Maraming salamat, @loveanover for EVERYTHING!!! Godspeed!” ang nakalagay sa caption ng nasabing IG photo.

Nag-start ang career ni Love sa TV nang maging intern siya sa GMA hanggang sa maging production assistant. Nang makita ng mga GMA executives ang kakayahan niyang mag-host, kinuha siya “Unang Hirit”.

Nagsimula siya bilang reporter ng lagay ng panahon pati na ng traffic situation sa Metro Manila. At dahil makulay at inspiring ang kanyang life story, isinadula sa “Magpakailanman” noong 2003.

Dito ipinakita ang mga hamon ng buhay na pinagdaanan niya noong kabataan niya kabilang na ang pagiging biktima ng diskriminasyon at pambu-bully ng mga kaklase dahil sa kanyang itsura.

Bitoy halos 3 dekada na sa GMA: Basta you care about each other, hindi mo pipiliin na umalis pa

Jolina, Marvin nag-foodtrip sa Singapore, netizens kinilig: ‘The best love team in the 90s’

Wish ni Alice natupad makalipas ang 10 taon: May baby na!

 

Read more...