Xian Lim pwede nang makipagsabayan kay Ashley Ortega sa figure skating

Xian Lim pwede nang makipagsabayan kay Ashley Ortega sa figure skating

Ashley Ortega at Xian Lim

SUPER proud ang Kapuso actor and director na si Xian Lim sa pinakabagong achievement na kanyang nagetsing kamakailan.

Excited na ibinandera ni Xian sa kanyang social media account na nakapasa na siya sa Pre Alpha — Delta Test.

Ito ay isang ice skating proficiency test for all ages na kailangang pagdaanan in preparation for his role sa upcoming GMA series na “Hearts on Ice.”

Pre Alpha – Delta test teaches new skaters the basics which are required to perform other maneuvers or tricks on the ice.

Base sa mababasang text sa video, ibinalita ni Xian na apat na buwan na siyang nagte-training ngayon para sa bago niyang project sa GMA 7.


Sabi ng boyfriend ni Kim Chiu, hindi naging madali ang kanyang training kaya naman abot-langit ang naramdaman niyang kaligayahan nang malamang nakapasa siya sa Pre Alpha — Delta Test.

“With enough perseverance and the people who believed in me, I kept going.

“Today, I took my Pre Alpha – Delta Test. I passed. Congratulations, self,” mensahe ni Xian.

Inamin din ng aktor na inatake rin siya ng matinding nerbiyos nang naghahanda siya sa nasabing test pero naniniwala siya na kung nais mo talagang magtagumpay na makamit ang isang bagay, “you never had, you have to do something you’ve never done.”

“Skating on ice is pure bliss. Watching other skaters with years of experience, the initial reaction is…wow,” aniya pa.

Pinasalamatan din ni Xian ang kanyang skating coach na si Ronan Capili dahil sa patience and enthusiasm nitong turuan at i-guide siya sa bagong mundong pinasok niya.

Samantala, pinuri naman si Xian ng co-star niya sa upcoming series ng GMA na si Ashley Ortega dahil talagang kinarir nito ang pag-aaral ng ice skating. Excited na rin siya sa pag-ere ng “Hearts On Ice”?

“Actually, sabay kaming nagte-training. Napakasipag niyang mag-training, as in talaga I can see how driven, how passionate he is sa craft niya.

“Talagang he wanted to learn about figure skating para hindi rin siya mahirapan,” sabi ng Kapuso leading lady.

Bukod sa pagpasa sa Alpha – Delta Test, in-announce rin recently ni Xian ang pagsisimula ng sarili niyang podcast, ang “The Experience Life Podcast”.

Dito, ise-share ni Xian sa lahat ng kanyang fans and supporters ang, “lessons, stories, and breakthroughs” na naranasan niya sa kanyang personal na buhay at career.

Ashley Ortega payag uling lumaban sa ice skating competition, pero…

Francine Diaz: Wala akong boyfriend, single lady po ako!

Ina Feleo naadik sa figure skating: Ang dream ko talaga noon maging Olympic champion

Read more...