IN FAIRNESS, gumawa ng kasaysayan ang Kapisanan ng mga Social Media Broadcasters ng Pilipinas (KSMBPI) sa matagumpay na advocacy project nilang “Celebrities Atbp. Laban sa Climate Change.”
Ito’y bilang bahagi ng pagdiriwang ng Clean Air Month nitong nagdaang Nobyembre sa pangunguna ng KSMBPI founder and chairman na si Doc Michael Aragon.
Bukod sa bonggang pa-concert ng KSMBPI kasama ang Clean Air Philippines Movement Inc. (CAPMI) na pinamumunuan din ni Doc Michael,bna ginanap sa Scout Borromeo corner EDSA, Quezon City, nagkaroon din sila ng bonggang StreetDance-Cosplay competition.
Ito’y para mag-create ng awareness sa madlang pipol tungkol sa climate change at ang masamang epekto nito sa ating kalusugan.
Last Thursday, December 8, naganap ang awarding ng mga winners sa Dance-Cosplay kung saan tinanggap nila ang kanilang cash prize mula sa personal money ni Doc Michael bilang chairman ng KSMBPI at CAPMI.
Si Jolito Beral ang overall-winner sa cosplay contest bilang si Sun Wukong na siyang nag-uwi ng P30,000. Idol na idol daw niya ang mga Cosplayer Queen na sina Alodia Gosiengfiao at Myrtle Sarrosa.
Tig-P10,000 naman ang napanalunan ng iba pang winners sa apat na categories — sina Kean Juries as Chainsaw Man (Anime), Joren Dave Rivas as Dragon Wukong (Armor), Glenn Cuevas as Joker (Cloth) at Eliza Ann Pecaoco as Freya (Games).
Mahigit 100 cosplayers ang nag-join sa makabuluhang event ng CAPMI, at base sa mga nakachikahan namin na lumahok ay na-miss nila ang rumampa suot ang kanilang bonggang costumes.
Kaya naman ang wish nila, sana raw ay maging taunan na ang pagsasagawa ng “Celebrities Atbp. Laban sa Climate Change” para yearly ay looking forward sila sa pag-join sa Dance-Cosplay.
Ang sabi naman ni Doc Michael, hangga’t kaya ay ipagpapatuloy nila ang nasimulan nilang adhikain para malabanan ang lumalalang problema ng mundo sa climate change.
Related chika: