Gary humiling ng ‘milagro’ mula kay Lord, may matinding pinagdaraanan?
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Gary Valenciano
NAG-ALALA at nabahala ang mga kaibigan at tagasuporta ng OPM legend na si Gary Valenciano nang mag-post ito ng cryptic message sa social media.
Nag-tweet kasi ang tinaguriang Mr. Pure Energy kagabi, December 14, sa kanyang Twitter account, na tila may kaugnayan sa estado at kundisyon ng kanyang kalusugan.
Dito, humihiling ng “milagro” ang veteran actor-singer mula sa Panginoon at sana’y gabayan daw siya sa mga susunod na araw upang malampasan ang kanyang pinagdaraanan.
Aniya pa, sana’y patuloy pa rin niyang madama ang tunay na diwa ng Kapaskuha kahit na may hinaharap siyang mga pagsubok.
Tweet ni Gary, “Lord…I’m going to need your miraculous touch to get me through tonight and the next few nights to come.
“Help me not lose the sense and spirit of Christmas in the middle of all these challenges. Kindly help in keeping me healthy at all times Lord.
“In Your name Jesus I pray, Amen,” mensahe pa niya.
Bumuhos naman ang mensahe mula sa mga netizens para sa paggaling ng singer at sana raw ay magpakatatag pa ito sa paglaban sa kanyang buhay.
“Nothing is impossible through JESUS name who gave us strength.”
“You are healed by the miraculous touch of Jesus Christ!”
“I pray and claim for God’s strength to be upon you in Jesus name, Amen!”
“Gary God is very powerful and all knowing I will pray for your healing in the mighty name of Jesus Amen.”
Yan ang ilan sa mga nabasa naming comments ng mga netizens.
Bata pa lamang ay nakikipaglaban na si Gary sa sakit na diabetes, “I was diagnosed with it. I was fourteen years old. My sugar level hit 700-something plus. At least during my time, from what I know, the normal level goes from 80 to 120.
“I don’t know if that has changed because a lot has changed. But when I’m within that level, I’m fine,” aniya pa.
Matatandaang taong 2018 ay sumailalim siya sa open heart surgery at natuklasan din ng mga doktor na meron siyang cancer sa kidney.
Dahil dito, inoperahan uli siya at makalipas lamang ang ilang buwan ay idineklara na ng kanyang mga doktor na cancer-free na siya.