Bukod sa nanalo ang kanyang bansang Argentina sa FIFA World Cup finals ay ibinunyag din niya sa social media na nanganak na ang model-actress para sa kanilang second baby.
Sa isang Instagram video ay makikitang tila nasa isang hospital room si Nico at nakasuot pa ng personal protective equipment (PPE).
Inilarawan pa niya ang kanyang mag-ina na malusog.
“What a crazy day today! Argentina qualified to the finals with [Lionel] Messi playing a great game, and we just had a super healthy baby girl,” Sey niya sa ipinost na video.
Lahad pa sa IG caption ng businessman at social media personality na ipapakilala na nila ang kanilang ikalawang anak sa ate nito na si Thylane.
Caption ni Nico, “I let her mama to introduce her later.”
Biro pa niya, “but one thing is confirmed, her second name is ‘Lionel.’”
Para sa kaalaman ng marami, ang tinutukoy na pangalan ni Nico sa kanyang post ay ang Argentinian professional footballer na si Lionel Messi na namuno sa koponan ng kanyang bansa sa semifinals upang makuha ang finals slot sa World Cup.
Ilan lamang sa mga celebrities na bumati sa mag-asawa ay sina Vanessa Matsunaga, Iza Calzado, Bea Alonzo, at marami pang iba.
“Felicitaciones (congratulations) on the baby [clapping emojis] good job mama @solenn,” sey ni Vanessa.
“Congratulations, Nico!!! Both on the new child, Lionel, and Argentina’s win,” comment ni Iza.
Nitong Hulyo nang inanunsyo ng mag-asawa na magkakaroon na sila ng second baby.
Ang gender reveal ay nakumpirma noong Setyembre.
Taong 2016 nang ikinasal sina Solenn at Nico.
Taong 2020 naman nang isinilang nila ang kanilang first baby na si Thylane.
Related chika:
Nico Bolzico nagkaroon ng instant makeup artist, ibinandera ang ‘no makeup look’ ng anak
Nico Bolzico never nagselos sa pakikipaghalikan ni Solenn Heussaff sa iba’t ibang lalaki