Rachel Alejandro umaming binigyan ng ultimatum ng asawa para mabuntis: Ngayong 11 years na kami, nahimasmasan na siya
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Rachel Alejandro at Carlos Santamaria
HINDI nape-pressure ang singer-actress na si Rachel Alejandro na magkaanak kahit pa 11 years na silang kasal ng asawang si Carlos Santamaria.
LDR o long-distance relationship ang peg ngayon ng married couple dahil sa kani-kanilang trabaho kaya naman wala talaga silang oras na mag-loving-loving.
Pero aminado si Rachel na isa ito sa mga nagiging issue sa pagsasama nila ng asawa noong mga nakaraang taon.
“To be honest, noong una inu-ultimatum ako ng asawa ko na parang, ‘Ano ba yan? Parang you are always away.’ Noong una it was a source of conflict for us,” ang pahayag ni Rachel sa panayam ng Inside News ng Star Magic.
Dugtong pa ng award-winning singer, “Pero later on, kasi ngayon we are going on 11 years, I think medyo nahimasmasan na siya. Parang na-realize na niya na ito na ‘yon, this is it.
“We just had to deal with it. Mahirap talaga. The adjustment really came from his side, kasi siya talaga ‘yung nahirapan. At first parang this is not what I signed for parang may ganoon pa,” aniya pa.
Diretsahan ding binanggit ni Rachel na trabaho talaga ang isa sa dahilan ng delay ng kanyang pagbubuntis ay ang trabaho.
“It was not a conscious decision to not have kids on my part, I think it was more na I prioritize so much ‘yung work.
“Kaya I mention nga na nung pandemic I felt lost because wala akong anak at ‘yung parang buong buhay ko ay dinovote ko talaga sa trabaho.
“So parang one day, I just woke up during the pandemic na, ‘ano ang ginawa ko sa sarili ko?’ Parang ganoon, parang ‘did I make the right choices?’
“So that is something that a woman has to deal with. Kasi siyempre we got to an age na hindi na rin talaga ganoon ka-viable.
“It’s not impossible, obviously, there’s science, there are things you can do, hindi ba? And some people choose to adopt pero ‘yung husband ko ‘yung ayaw niya talaga ng kids,” pahayag pa ni Rachel.
“Thankfully hindi naman kami itinatakwil ng mga magulang niya na hindi kami nagbigay na apo. ‘Yung priortiy talaga naging work in my case.
“Siya naman ang goal niya sa buhay ay to retire early at kung may anak ka ay hindi ka pwedeng mag-retire ng maaga, kailangan kang kumayod. Baligtad na baligtad kami, ako kasi workaholic,” hirit pa ni Rachel Alejandro.