RECENTLY lamang ay naging trending sa madlang pipol, lalong-lalo na sa mga kabataan ang Netflix comedy horror series na “Wednesday.”
Para sa mga hindi pa nakakanood nito, ito ay isang serye na umiikot sa karakter ni “Wednesday,” ang unica hija ng sikat na fictional family na “Addams Family.”
Noong November 23 pa inilabas ang buong Season 1 nito at ilang linggo ring nag-trending ang series sa most watched ng streaming app.
Bukod sa nasabing app, alam niyo bang nag-trending din ang isa sa mga tumatak na eksena ng serye na kung saan ay nagsayaw si Wednesday sa isang party ng kanyang school.
At dahil nga diyan ay nagkaroon na ng tinatawag na “Wednesday Dance Challenge” na usong-uso ngayon sa social media.
Kahit mga artista ay game na game na kumasa sa nasabing challenge.
Nanguna diyan siyempre ang dancer at YouTube vlogger na si Niana Guerrero na ibinandera niya sa kanyang TikTok account.
May caption pa siyang, “i am OBSESSED with that dance scene!! jenna really killed it as wednesday fr (crying emojis) (black heart emoji)”
@nianaguerrero
Bumanat din ang Diamond Star na si Maricel Soriano kasama ang sikay na Youtuber na si Small Laude.
Sabi pa niya sa post, “Channeling our inner Wednesday (black heart emoji) Abangan ang aming vlog ni @Small Laude soon on my youtube channel.”
@officialmaricelsoriano
Nagawa pang magpakilig ng celebrity couple na sina Mikee Quintos at Paul Salas habang sinasayaw ang “Wednesday” dance.
@mqquintos
Kuhang-kuha rin ng actress-director na si Bela Padilla ang dance challenge at sabi pa niya sa post, “Should’ve posted this last Wednesday.”