HINIRANG bilang first runner-up sa 2022 Miss Eco Teen International pageant ang pambato ng Pilipinas na si Beatriz Mclelland sa patimpalak na itinanghal sa Concord Moreen Beach Resort sa Marsa Alam, Egypt, noong Dis. 11 (Dis. 12 sa Maynila).
Naungusan ang 20-taong-gulang na mag-aaral at pageant veteran ng kinatawan ng India na si Sherisha Chanda para sa korona.
Dahil sa nakamit niya, nabigyan ni Mclelland ang Pilipinas ng back-to-back first runner-up placements sa pandaigdigang patimpalak. Pumangalawa rin sa 2021 Miss Eco Teen International ang national predecessor niyang si Tatyana Austria.
Nakapagtala na ng isang panalo ang Pilipinas sa international teen pageant, sa pamamagitan ni Roberta Tamondong na nagwagi noong 2020, sa Egypt din.
Binigyan din ni Mclelland ang bansa, at ang national pageant organization niya, ng back-to-back first runner-up finishes sa loob lang ng dalawang araw.
Hinirang ang 2022 Miss World Philippines “sister” niyang si Justine Felizarta bikang 2022 Miss Tourism World first runner-up sa Vietnam noong Dis. 10.
Busy ang Diseyembre para sa mga pandaigdigang patimpalak. Basa Tokyo, Japan, ngayon si Binibining Pilipinas Hannah Arnold para sa ika-60 Miss International pageant na itatanghal sa Tokyo Dome City Hall sa Dis. 13.