TILA hindi na ma-reach ang batikang Pinay aktres na si Dolly De Leon!
Bidang-bida nanaman kasi siya sa international award-winning movie na “Triangle of Sadness” matapos magwagi ng “Best Supporting Performance” sa naganap na Los Angeles Film Critics Association Awards sa Amerika.
Ipinost mismo ng nasabing award-giving body ang pagkilala kay Dolly.
Caption pa sa isang tweet, “Best Supporting Performer, Winners: Dolly de Leon, TRIANGLE OF SADNESS and Ke Huy Quan, EVERYTHING EVERYWHERE ALL AT ONCE.”
Best Supporting Performer, Winners: Dolly de Leon, TRIANGLE OF SADNESS and Ke Huy Quan, EVERYTHING EVERYWHERE ALL AT ONCE. #LAFCA
— Los Angeles Film Critics Association (@LAFilmCritics) December 11, 2022
Ang nakuhang award ni Dolly ay dahil sa ginampanan niyang role bilang Pinay overseas worker sa isang luxury yacht.
Ang “Triangle of Sadness” ay mula sa direksyon ng Swedish director na si Ruben Ostlun.
Ang pelikula ay tungkol sa isang “class warfare comedy” o satire na pinapurihan ng international critics sa Cannes.
Sa husay na ipinakita ni Dolly sa nasabing pelikula ay may posibilidad na ma-nominate siya sa Oscars 2023.
Noong nakaraang linggo lamang ay nominado siya bilang “Best Supporting Actress” sa 2022 Satellites Awards sa Amerika.
Samantala, nitong Nobyembre lamang ay umuwi ng Pilipinas si Dolly upang dumalo sa opening ng 10th QCinema International Film Festival na ginanap sa Quezon City.
Nabigyan pa nga siya ng standing ovation pagkatapos ng screening ng “Triangle of Sadness” na nanalo ng Cannes Palme d’Or o Best Picture award.
Masaya ring ibinalita ni Dolly na dito siya magpa-Pasko sa Pilipinas pero babalik ulit sa U.S. pagsapit ng January dahil sa iba pa niyang international commitments.
Read more:
Dolly de Leon malaki ang posibilidad na ma-nominate sa Oscars 2023 para sa ‘Triangle of Sadness’
‘Mga Batang Poz’ ni Awra sa iWant ibabandera ang katotohan sa HIV/AIDS