Chito Miranda sa resulta ng Magic Avatar app: Ay, bakit ganu’n? Parang ‘di sulit yung binayad ko…

Chito Miranda sa resulta ng Magic Avatar app: Ay, bakit ganu'n? Parang 'di sulit yung binayad ko...

Chito Miranda

NAGPASABOG na naman ng good vibes sa social media ang OPM icon at Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda.

Bentang-benta ang bagong paandar ni Chito sa pagsali niya sa latest trend ngayon sa socmed gamit ang isang app na magke-create ng inyong mga AI avatars.

Ang nasabing AI app ay nakagagawa ng bonggang-bonggang litrato sa pamamagitan ng iba’t ibang “styles and special effects.”

Gamit ang Magic Avatar feature, maaaring gawing digital artworks ang inyong portrait with the use of various unique avatars. At yan nga ang usung-uso ngayon sa Facebook.

Pero nang subukan nga ito ni Chito ay parang hindi siya kumbinsido sa naging resulta. Ibinahagi niya sa kanyang Instagram followers ang kanyang AI avatar.


Sabi niya sa caption, “Ay…bakit ganun? Parang di sulit yung binayad ko sa app?”

Sandamakmak namang reaksyon ang nabasa namin sa IG post ng mister ni Neri Miranda. Marami ang nagbiro na baka raw pirated version ang nagamit ng singer-songwriter.

Hirit ni Joross Gamboa kay Chito, “Muntikan ko na sabihin get well soon.”

Comment naman ni Gary Valenciano, “Hahahahha….try yung mga pics mo na konti lang ang background…yung Di cluttered. Sana Ikaw lang na solo. Best yata to use studio shots. Suggestions Lang naman.”

Samantala, nito lamang nakaraang araw, sinubukan daw uli ni Chito na gamitin ang nasabing app, and this time, isinama na niya sa kanyang post ang litrato ni Neri.

“Ayun!!!!!!!! It finally worked…on Neri!” ang pang-aasar na komento uli ni Gary Valenciano na nakasama ni Chito sa “Idol Philippines Season 2″ bilang judge.

Hirit pa ni Mr. Pure Energy sa post ni Chito, “In fairness….nice the first pic of you Chito!!!!”

Marami pang celebrities ang nag-try gumamit ng Magic Avatar app at kanya-kanya nga silang post sa socmed na pinupusuan at kinaaaliwan naman ng mga netizens.

Chito todo kayod sa edad 17, maraming isinakripisyo para makaipon: Hindi forever ang pagbabanda…

Bakit nga ba nag-offer si Angel ng kwarto kina Chito Miranda?

Toni Gonzaga ‘unbothered’ kahit inaayawan ng netizens: They are the reasons why we are here today

Read more...