Mga baguhang artist natengga matapos magkaproblema ang talent management at producer

Mga baguhang artist natengga matapos magkaproblema ang talent management at producer

Guess, guess who! Ma-gets n’yo kaya ang sagot?

NANGHIHINAYANG kami sa mga artists na ini-launch ng isang talent management agency dahil may mga K o karapatan naman sila sa industriya kapag nabigyan ng tsansa at exposures.

Kuwento ng aming source, nagkaproblema ang producer at ang talent management agency na may hawak sa mga baguhang artist.

“Hindi sinabi ang saktong problema, eh, pero tinanggal na si ____ (ipinakilalang manager ng mga talents) sa mismong agency kaya naka-hang ngayon ang mga bata.

“Foreigner kasi ‘yung producer tapos kinuha niya si _____ (ipinakilalang manager ng mga talents) since kilala naman siya at sabi niya marami siyang contacts na totoo naman kasi nu’ng ini-launch naman ‘tong mga batang ‘to ay okay naman at positive naman ang feedback.

“Kaya lang nagtataka ‘yung producer kasi walang TV guestings tulad ng pangako ni _____ (ipinakilalang manager ng talents).  Sabi niya kasi kaliwa’t kanan guestings, collab with artists etcetera. Tapos para raw mapansin kaagad dapat every week may pa-interview.

“Siyempre si ____ (foreigner producer) nagtataka kasi malaki na ang ginastos niya at ‘yung budget for interviews nabigay na, wala naman daw nababasa o lumalabas sa social media.

“Kaya nag-usap sina ____ (foreigner producer) at si ____ (ipinakilalang manager ng talents) kung bakit kulang sa output? May mga hindi napagkasunduan kaya nawala na si ____ (manager).

“As of now naka-hang ang mga bata, si ____ (foreigner producer) hinahanapan ng tamang taong magma-manage,” sabi pa sa amin.

Naalala namin noon ang all male singer-dancer na hirap na hirap sumipa ang pangalan dahil foreigner din ang manager at may Pinoy ding tumulong pero hindi rin nagkasundo dahil siguro magkaiba ang vision nila.

Kaya ang ending sinolo ng foreigner ang pagma-manage since marami siyang contacts at ngayon sikat na ang all male group kaya ang manager ay nagbibilang na lang ng mga komisyon niya.

Sana makahanap o solohin na lang ng foreigner producer ang pagma-manage ng mga talents na ginastusan na niya ng malaki dahil baka may chance pang sumikat.

Malilisyosong post ni Andrea sa socmed peke, talent manager nagbanta sa poser at nagse-share

Chito Miranda sa kakulangan ng suporta sa local shows: Targeting foreign shows or acts is not the solution

Nadine hayagang binabastos ng mga basher matapos ilantad ang dyowang foreigner

Read more...