HOROSCOPE October 04, 2013

Para sa may kaarawan ngayon: Suwerte ang kulay na red! Iyan ang isuot mo ngayon at siguradong darami ang iyong pera at magkakaroon ka ng masarap na karanasan sa larangan ng pag-ibig at romansa. Mapalad ang 3, 6, 18, 27, 33, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ananda-Magra.” Bukod sa red ang yellow ay buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—   ‘Wag malungkot! Malapit na ang Pasko! Hindi mo ba naaalala, noong nakaraang taon, kapag malapit na ang pasko sinusuwerte ka? Babalik ng siksik-liglig ang dating  suwerte, maraming salapi at masarap na romansa ang makakamit. Mahiwaga mong mantra: 3, 9, 18, 28, 39 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Manu-Om-Namo.” Red at gold ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—  Gabi-gabi ay basahin ang Unang Salmo sa Lumang Tipan sa Biblia. Iyan ang magsisilbing orasyon mo sa loob ng apat na buwan. Makikita mo, kapag nagawa mo iyan ay uunlad, yayaman at magiging maligaya ka. Mapalad ang 2, 7, 19, 28, 46 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Yod-Heh-Vah-Weh.” Red at blue ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—  Bilisan mo ang pagkilos, malapit ng mag-Pasko! Walang duda na sa Paskong darating, salapi ang nakapagpapasaya ng bawat puso at ng buong pamilya, kaya nga kailangang bago pumasok ang Christmas Season maraming-marami ka ng pera. Mapalad ang 7, 11, 20, 29, 37 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Vajur-Veda-Om.” Blue at magenta ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—  “Patay ang buwan ngayon” – kaya wala kang dapat na gawin! Bagkus magpahinga ka lang sa iyong silid,  magnilay-nilang at manalangin.  Sa ganyang paraan, mare-recharge ang iyong enerhiya! Paglaki uli ng buwan saka ka kumilos at magpatupad. Mapalad ang 2, 17, 26, 35, 44, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Araanam-Kebanam.” Red at orange ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—  Sa pag-ibig, wag nang mag-isip ng mamahaling regalo sa Pasko, ang makasama ang kasuyo sa isang romantikong lugar ay sapat na. Sa pinansyal, ipunin ang malaking halaga ng salapi na matatanggap ngayong Holiday Season at gamiting pangnegosyo. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 37 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kurvan-Om.” Lilac at magenta ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—  Matutong lumingon sa pinanggalingan! Mamayang hapon, i-blow-out ang mga taong tumulong sa iyo upang makamit ang tagumpay.  Mamayang gabi, uwian ang kasuyo ng pasalubong – bagay na malambot, matamis at bilog. Mapalad ang 3, 14, 23, 32, 41, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Aum”. Blue at gray ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—  Pagkabasa ng kapalaran mong ito, kumuha ka ng note book at tanungin ang sarili: “Five years from now, ano ang gusto kong maging status ng aking buhay sa aspetong pang-pinansyal?” Isulat sa notebook ang sagot. Makikita mo, after 6 years, kusang matutupad ang iyong isinulat. Mapalad ang 3, 9, 18, 36, 40 at 49. “Sargos-Sha-Om.” Red at lilac ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—   Halik ang lulunas sa iyong kalungkutan. Pagdating ng bahay, bigyan ng  matamis na halik sa labi ang kasuyo. Kung wala kang kasuyo, bigyan ng mahigpit na yakap at halik ang mga anak o ang inyong mga magulang. Sa emotional therapy, mapapanatag na ang iyong kalooban. Mapalad ang 7, 9, 25, 20, 29, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Agla-Om.” Red at blue ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—   Ang karamdamang nararanasan ay dala lamang ng pabago-bagong panahon! Kumain ng maraming gulay at prutas upang mas madaling maka-recover. Sa pag-ibig, mamayang gabi, magpahagod ka ng noo at magpamasahe sa minamahal. Mapalad ang 4, 13, 23, 28, 34, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Green at pink ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—  Kung may magagandang biyayang natatanggap dapat lagi kang magpasalamat! Sa ganyang paraan, lalo kang gagantimpalaan ni Lord. Sa pag-ibig, pasalamatan ang kasuyo na madaling mong nauuto. Mapalad ang 6, 15, 24, 34, 38, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Kedemel-Om-Hagiel.” Magenta at lilac ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—  Sabi ko sa iyo, simulan mo nang buuin sa isipan ang mga chapter ng isusulat mong libro.  Dahil kung hindi kaman nagtagumpay sa pag-ibig at walang saysay ang kasalukuyang relasyon, sa book na susulatin mo ang lahat ng iyong naisin ay kusang matutupad. Mapalad ang 7, 16, 25, 35, 34, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Aum.” Orange at pink ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—  “A hard road to glory” ang magiging padron ng kapalaran upang magtagumpay! Sa pinansyal, gamitin ang mga kabiguan upang lalong magsikap na yumaman. Sa pag-ibig, konting tiis na lang, malapit ka ng lumigaya. Mapalad ang 2, 6, 12, 30, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Yantra-Aum-Jawala.” Magenta at yellow ang buenas.

Read more...