Toni, Charlene tsugi na sa ‘The Buzz’; Carmina, Janice bagong co-host ni Boy sa bagong show

 

Toni Gonzaga at Charlene Gonzales

Naibalita din namin sa programang “Mismo” nina papa Jobert Sucaldito at papa Ahwel Paz na susunod nang mawawala sa ere pansamantala ang The Buzz.

Ire-reformat daw kasi ang nasabing programa at balitang-balita na si Kuya Boy Abunda lang ang maiiwan, at sina Janice de Belen at Carmina Villaroel na ang makakasama niya sa muling pagbabalik nito sa ere, with new challenges and vision.

“Mukhang hindi pa alam nina Charlene Gonzales at Toni Gonzaga, pero parang may idea na sila nu’ng huling meeting nila. Basta ang alam namin, ngayong October na ‘yan mangyayari,” tsika ng aming source.

Hmmmm, mukhang ganito nga yata ang senaryo sa mga ABS-CBN shows lalo na sa mga teleserye. Nauna na nga ang Muling Buksan ang Puso na natapos last week, then balitang susunod na ring magpapaalam ang Bukas na Lang Kita Mamahalin. Bago ito, nagpaalam na rin sa ere ang Showbiz Inside Report at Dugong Buhay.

Ngunit ayon sa aming source, bahagi lang daw ang lahat ng ito ng mas pagpapatatag ng programming ng ABS-CBN.

Read more...