GOOD morning doc. Ask ko lang po ano ba ang gamot sa palagi na lang nadudumi. Salamat po. –…3557
Ang hindi normal na pagdumi o ang madalas na pagdumi kapag wala namang impeksyon o “dysentery” ay dahil sa hindi maayos na panunaw ng kinain lalo na kung marami at madalas ang pagkain (overload). Iwasan ang mga pagkain na “oily” o matataba, at may “dairy” (gatas). Posible kasing lactose-intolerant ka.
Dapat ding masigurado muna na hindi ito “infectious diarrhea”. Pwedeng uminom ng “Loperamide” para makontrol ang dalas ng pagdumi.
Ang madalas na pag-dumi ay maari ring unang sintomas ng kanser sa malaking bituka (Large Intestine). Makabubuti na sumangguni sa doktor kung napapansin na hindi na normal o madalas kang nadudumi.
Good afternoon po doc. Pwede po bang mag tanong kung anong gamot sa tumutubong maliit na pantal at napaka kati po. Naaawa po kasi ako sa kapatid ko ang dami-dami niya nito sa braso, pati sa iba pang parte ng kanyang katawan. Kating-kati po siya. — Elena Bonga, 21, Tublijon, Sorsogon City, ….6865
Hello Elena.
Sana matingnan sya ng dermatologist o kaya naman ay makapagpadala ka ng picture ng mga lesions nya sa balat.
Marami kasing sakit sa balat ang nag-uumpisa sa kati lamang. Allergy ba ito o nakagat ng insekto? Kung mapula at makati, umpisahan na munang pahiran ng cream o ointment na may “steroid”.
Magandang hapon po. Ako po si Grace from Dumaguete city. Tanong ko po lamang ay kung anong Vitamin B complex ang dapat kong inumin. Diabetic po ako at 60 years old. Thanks. — …6141
Hello po, Grace.
Maari kang uminom ng One-six-twelve, Neurobion o kahit anong meron sa parmasya. Ito ay hindi gamot sa Dyabetes kundi “supplement” lamang kung mayroon nang “Diabetic Neuropathy”.
Kailangan pa rin ma-kontrol ang iyong blood sugar sa pamamagitan ng pag-kontrol ng pagkain. Kailangan din ng ehersisyo.
I have been drinking 6 glasses of fresh cow’s milk for 3 months now. Lately, I felt a burning sensation at my lower back. Is this a sign of building up of gall bladder stone caused by cow’s milk? I read that fresh cows milk can cause gall bladder stone. Pls enlighten me. — TJM, 80, Tabaco City, …3229
Dear TJM:
Excessive intake of milk may increase your blood cholesterol because of increased dietary fat from milk. Gallstones may form from excess cholesterol in the bile. Gallstones may cause some pain in the upper abdomen even radiating to the upper lumbar region on the right. The pain is usually spastic or crampy but not burning.
The pain that you have might be due to some other causes. Have a urinalysis taken just to rule out UTI.
Good afternoon, Doctor Heal. Ask lang sana ako, ang cervical cancer ba na nasa stage 2b na ay may pag-asa pang gumaling? Thanks. — Jomag, 38, Iloilo City, …4460
Hi Jomag!
Ang cervical cancer kahit ito ay stage 2B ay mayroon namang pag-asang gumaling. Sa kumbinasyon ng Chemotherapy at Radiation treatment, maaaring makakamit ang 75-78 percent survival rate.
May nais ka bang isangguni kay Dr. Heal? I-text ang inyong pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606, at abangan ang kanyang sagot tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.