LPA naging bagyo na, Signal no. 1 itinaas sa probinsya ng Catanduanes

LPA naging bagyo na, Signal no. 1 itinaas sa probinsya ng Catanduanes

PHOTO: Facebook/Dost_pagasa

TULUYAN nang naging ganap na bagyo ang binabantayang low pressure area (LPA) ng PAGASA sa may Luzon at pinangalanan itong “Rosal.”

Ayon sa press brieifing ng ahensya nitong December 10 ng umaga, “Sa kasalukuyan, ang binabatayan nating low pressure area noong mga nakaraang araw ay tuluyan nang nag-develop into a bagyo and nasa may tropical depression category na siya.”

Nagbabala pa ang PAGASA na posibleng lumakas pa ang bagyong Rosal pagdating bukas (Dec. 11), habang hihina raw ulit ito pagdating ng Lunes (Dec. 12).

Sey ni Weather Forecaster Veronica Torres, “Inaasahan nga natin itong si tropical depression Rosal, maaari siyang magpatuloy sa pagtahak ng hilaga nang mabagal, then afterwards ay pwede siyang mag-turn ng north northeast at pagkatapos noon ay inaasahan nga natin by tomorrow ay maaari siyang lumakas pa at tumaas pa ang category niya, maging tropical storm category.”

Patuloy pa niya, “Pero by Monday, inaasahan din natin na siya’y humina at maging tropical depression na lamang siya at pagdating ng Tuesday ay tuluyan nang humina at maging low pressure area na lamang habang papalayo ng ating landmass.

Base naman sa weather bulletin ng ahensya ngayong 5:00 p.m., December 10, ay huling namataan ang bagyo sa silangan ng bayan ng Infanta sa Quezon.

Ang lakas ng hangin nito ay nasa 45 kilometers per hour at bugsong aabot sa 55 kilometers per hour.

Kasalukuyan din itong kumikilos sa bilis na 15 kilometers per hour.

Isang lugar nalang ang nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 at ito ang Northern portion ng Catanduanes, kabilang na riyan ang mga bayan ng Pandan, Gigmoto, Bagamanoc, Panganiban, Viga, at Caramoran.

Related chika:

Biyaheng-dagat sa Bicol region kanselado dahil sa bagyong Rosal

P128 milyong pondo nakalaan para sa mga biktima ng Tropical Storm Maring

Tom Rodriguez nasaksihan ang hagupit ng bagyong Odette; humingi ng tulong at dasal para sa mga nasalanta

Read more...