Taylor Swift gagawa ng sariling pelikula, sasabak na rin sa pagiging direktor

Taylor Swift gagawa ng sariling pelikula, sasabak na rin sa pagiging direktor

PHOTO: Instagram/@taylorswift

MUKHANG may bagong pagkakaabalahan ang pop superstar na si Taylor Swift!

Sasabak na rin kas siya sa pagiging film director at kaabanag-abang na para sa fans ang gagawin niyang pelikula.

Ang magandang balita ay inanunsyo ng Walt Disney co-owned production company na Searchlight Pictures noong December 9.

Para sa kaalaman ng marami, ang nasabing kumpanya ay kilala sa ilang award-winning films gaya ng “The Shape of Water,”  “Nomadland,” at “The Banshees of Inisherin.” 

As of this writing ay wala pang detalye tungkol sa upcoming movie project ni TayTay, pero sinabi ng Searchlight Pictures na ang singer mismo ang sumulat ng gagawing movie.

Sinabi din ng production company na lubos silang natutuwa na makatrabaho ang pop icon.

Sey sa inilabas na pahayag ng Searchlight Presidents na sina David Greenbaum at Matthew Greenfield, “Taylor is a once in a generation artist and storyteller. 

“It is a genuine joy and privilege to collaborate with her as she embarks on this exciting and new creative journey.”

Si Taylor ay isang 11-time Grammy winner at ang kauna-unahang female artist na nakakuha ng ikatlong “Video of the Year” sa MTV Video Music Awards. 

Siya rin ang ikalawang babaeng artist na nanalo ng “Best Longform Video” dahil sa kanyang “All too Well: The Short Film.”

Kamakailan lang ay nominado siya sa Grammy awards ng “Song of the Year” para sa kanyang 10-minute version ng kantang “All Too Well.”

Ang nasabing kanta ay posibleng nominated din para sa “Best Live-Action Short” category ng 2023 Oscars na ilalabas sa darating na January 24, 2023.

Related chika:

Jake Zyrus nadamay sa “All Too Well” ni Taylor Swift

True ba, Taylor Swift nakipag-date sa ‘Train To Busan’ actor na si Gong Yoo sa Amerika?

Bimby nakiusap sa fiancé ni Kris: I love you Tito Mel, please take special care of mama…

Read more...