Melai Cantiveros kay Jason Francisco: Kahit minsan ‘di mo ako ma-gets, love na love pa rin kita

Melai Cantiveros kay Jason Francisco: Kahit minsan ‘di mo ako ma-gets, love na love pa rin kita

PHOTO: Instagram/@mrandmrsfrancisco

INALALA ng Kapamilya actress-comedian na si Melai Cantiveros ang ilan sa mga masasayang moments nila ng mister na si Jason Francisco.

‘Yan ay kasabay ng kanilang ika-siyam na anibersaryo ng kanilang kasal.

Sa Instagram, ibinandera ni Melai ang ilang sweet photos nilang dalawa at may caption pa ito na tila inisa-isa ang ilan sa mga pinagdaanan nila bilang couple.

Paliwanag pa ni Melai, ito ang dahilan kaya sila ay naging mature para sa isa’t-isa.

Sey sa caption, “9 yrs of Loving and Hating, 9 yrs of Accepting and Blocking each other, 9 yrs of Receiving and Giving, 9 yrs of Keeping the Faith and Losing the Faith to each Other, 9 yrs of Trusting and Doubting each other= Is equals to Matured and Best Version of ourselves for each other (random emojis)”

Inihayag pa ng aktres sa kanyang caption kung gaano niya kamahal ang kanyang mister.

“Happy 9 yrs Wedding Anniv PapaNuggets. Kahit minsan di mu ko MaGets love na love padn kita wanggets Love u with our Nuggets , Ate Nuggets and Baby Nuggets. (red heart emoji) May Godbless more our Journey,” aniya.

Maraming kapwa-celebrities naman ang napa-comment sa sweet post ni Melai.

Ilan na riyan sina Bianca Gonzalez, Loisa Andalio, Nikki Valdez, Alora Sasam, Jolina Magdangal, Vina Morales, at marami pang iba.

Matatandaang nabuo ang loveteam MelaSon noong 2009 nang sumali ang dalawa sa reality TV competition na “Pinoy Big Brother” at mula noon ay nag-umpisa na ang kanilang relasyon.

Taong 2013 nang ikinasal ang dalawa at biniyayaan ng dalawang anak na sina Mela at Stela.

Related chika:

Melai Cantiveros naloka, bunsong anak luma-love life na: ‘Crush ako ni Sam’

Para kay Melai Cantiveros ‘di dapat mawala si Hesus sa pagdiriwang ng Pasko

Momshie Melai sa birthday ng kanyang ‘Best Enemy’: I’ve never feel this hate. Char lang!

Read more...