TILA suki na pagdating sa South Korean stars ang mag-asawang Jinkee at Manny Pacquiao.
Sa latest social media post kasi ng misis ng boxing icon ay nakasama nila ang K-Drama superstar na si Ji Chang Wook!
Makikita pa nga sa isang Instagram video ni Jinkee na nag-dinner silang tatlo sa isang restaurant sa South Korea.
Bukod sa couple ay present din ang kambal ni Jinkee na si Janet, pati na rin ang ina ni Manny na si Nanay Dionisia.
Sa isang pang post ay ibinandera naman ng asawa ng boxing legend ang kanilang mga litrato kalakip ang red heart emoji.
Dahil diyan, libo-libong netizens ang napa-comment sa mga posts ni Jinkee at narito ang ilan sa mga komento nila.
“Ingit to the max (heart eyes emoji)”
“So luckyyyy ! Mommy D”
“Grabe! Hindi ko kinakaya! Ang swerteeeeeee”
Hindi ito ang unang pagkakataon na nagkita in-person sina Manny, Jinkeet at Chang Wook.
Sa kataunayan nga ay pangatlong beses na nila ito.
Ang una ay noong 2018, at ang pangalawa naman ay noong 2019 na kung saan ay pinirmahan pa nga ni Manny ang white boxing gloves ng Korean superstar.
Ilan sa mga pinagbidahang hit drama series ni Chang Wook ay ang “Empress Ki”, “The Sound of Magic”, “The K2”, at ang pinakabago niyang proyekto na, “If You Wish Upon Me”.
Nitong nakaraang buwan lamang ay bumisita rin mismo siya sa Pilipinas para sa isang fat meet event na ginanap sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Related chika:
Retired Filipino referee Carlos Padilla aminadong nandaya noon para manalo si Manny Pacquiao
Manny Pacquiao siga sa isang Korean variety show: ‘Who’s the boss here?!’
‘Pambansang Kamao’ meets ‘Pambansang Krung Krung’, Manny Pacquiao in demand sa South Korea