Million People March sa Ayala avenue ‘mas galit’

“HUWAG nila kaming gaguhin.”
Hindi kumbinsido ang mga grupo na nagtutulak upang tuluyang maalis ang pork barrel na tinanggal na ito sa budget para sa susunod na taon.
Kaya asahan na raw na mas galit ang mga susugod sa Million People March sa Ayala ave., Makati, ngayong araw.
“Pinapaikot nila kami,” ani Peachy Rallonza-Bretaña, isa sa mga nag-organisa ng unang Million People March sa Luneta noong Agosto 26.
“They’re treating us like we’re all tanga (stupid). I’m referring to the senators, the congressmen, and most especially, the President.”
At ang mas nakakainis, aniya, ay nang maungkat na ang isa pang bersyon ng pork barrel—ang Disbursement Acceleration Program ng Department of Budget and Management— ay ginamit upang suhulan ang mga kongresista at senador noong impeachment trial ng noon ay  Chief Justice na si Renato Corona noong 2012.
“My God! It’s pork under a different name!” aniya.

Read more...