PAPALITAN na bilang host ng Miss Universe pageant ang American television personality at comedian na si Steve Harvey matapos ang limang taon.
Inanunsyo ‘yan mismo ng Miss Universe Organization CEO na si Amy Emmerich sa isang exclusive interview ng American media company na Variety.
Ayon kay Amy, marami ang nagbago sa organisasyon mula nang ipagbili ang Miss Universe organization.
At isa na nga raw diyan ay ang magiging bagong host ng upcoming Miss Universe competition na nakatakdang i-reveal sa mga susunod na linggo.
Saad sa inilabas na Variety article, “Among the changes in the move: Steve Harvey, who had hosted for five years as part of the pageant’s deal with Fox, also won’t be back.
“According to Miss Universe Organization CEO Amy Emmerich, a new host — expected to be a female — will be announced in the coming weeks.”
Matatandaang si Steve ay naging kontrobersyal matapos magkamali sa announcement of winners noong 2015.
Si Ms. Colombia ang sinabi niyang panalo, pero ang totoong nagwagi ay ang ating pambato na si Pia Wurtzbach.
Bukod diyan, ang streaming ng pageant ay mapapanood na sa free TV na Roku Channel imbes sa Fox.
Noong Oktubre ay nagkaroon na ng bagong owner ang Miss Universe Organization at ito ang media and content conglomerate from Thailand na JKN Global Group sa pamumuno ni Anne Jakapong Jakrajutatip.
Mangyayari ang Miss Universe pageant 2022 sa New Orleans, Louisiana sa Amerika, kung saan nakatakdang lumaban ang ating pambato na si Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi.
Related chika:
Aplikasyon sa Miss Universe Philippines simula na: Bring out the queen in you…