SUPER happy ang aktor na si Jak Roberto sa kanyang 29th birthday nitong December 3.
Bukod kasi sa romantic date nila ng kanyang girlfriend na si Barbie Forteza ay nagkaroon din siya ng simpleng celebration kasama ang kanyang pamilya, ilang malalapit na kaibigan at kapwa-artista.
Sa Facebook account mismo ng aktor ay makikita ang ilang litrato na ginanap sa isang restaurant ang kanyang kaarawan.
Ilan lamang sa dumalo ay ang kanyang kapatid na si Sanya Lopez, at mga artistang sina Kristoffer Martin, Althea Ablan, Paul Salas, Mikee Quintos, Gab Valenciano, at marami pang iba.
Sa post ni Jak ay lubos siyang nagpasalamat sa lahat ng mga bumati sa kanyang birthday.
Caption niya sa FB, “Sa lahat ng family and friends ko and sa lahat ng bumati at babati pa! Sobrang nagpapasalamat ako sa inyong lahat! Mahal na mahal ko kayo! Grabeng love and support nyo guys! The best birthday ever! Love you all!!!”
Sa isa pang hiwalay na post ay sinabi ni Jak na umabot ng madaling araw ang kanyang party.
FB post niya, “Mga tropa mong nagsstay hanggang 5am! Hahaha thank you mga tols! (red heart emoji)”
Naging maingay sa social media ang kaarawan ni Jak dahil unang nagpakilig si Barbie na nag-post ng short but sweet message para sa kaya.
Ibinandera pa nga ng aktres ang ilang sweet photos ng date nilang dalawa sa isang Japanese restaurant.
Sabi pa sa caption, “Bat ganun? Birthday mo pero mas masaya ako? Hahahaha!
“Ang saya ko sa Japanese food e (sushi emoji) Happy 29th birthday, @jakroberto (red heart emoji)”
Dagdag pa sa post, “I love you when it’s easy, I love you even more when it’s difficult.
“I love you because you love me.”
Related chika:
Barbie Forteza kay Jak Roberto: I love you even more when it’s difficult
Barbie Forteza todo flex kay Jak Roberto, tinawag na ‘tahanan’ ang aktor