Carla Abellana may 3 payo para sa kanyang younger self: ‘Magpakatatag ka at alagaan mo ang sarili mo’

Carla Abellana may 3 payo para sa kanyang younger self: 'Magpakatatag ka at alagaan mo ang sarili mo'

Carla Abellana

KUNG si Carla Abellana lamang ang masusunod, mas gusto niyang manatiling tahimik at huwag nang magsalita tungkol sa paghihiwalay nila ng dating asawang si Tom Rodriguez.

Pero feeling ng Kapuso actress, kailangan niyang ipaalam sa publiko ang tungkol dito lalo na sa lahat ng tagasuporta nila ni Tom nagmahal at sumubaybay sa kanilang relasyon.

Sa latest YouTube vlog ni Camille Prats, sinagot ni Carla ang tanong kung ano ang ipapayo niya sa kanyang younger at teenage self matapos pagdaanan ang mga pagsubok sa buhay nitong mga nagdaang taon.

May tatlong mahahalagang bagay na ibinahagi ang Kapuso actress para sa kanyang younger version. Una, “Alagaan mo yung sarili mo. Huwag mong kakalimutan yung sarili mo.

“Second, kailangan mong magpakatatag, you have the rest of your life ahead of you.

“There’s so much more in store for you kaya kailangan mo lang ng lakas ng loob,” lahad pa ng aktres.

At pangatlo, “Ever since naman I’ve always believed, hindi ko kailangan i-remind sa sarili ko pero tama yan, always look back at the lessons you’ve learned from your family, your mom and lola, and how you were raised.

“Lagi mong kapitan yun para you can go back to that old self na grounded,” ang mensahe pa ni Carla.


Samantala, aminado naman si Carla na parang sumobra na sa kinakailangan ang naibahagi niyang impormasyon sa publiko tungkol sa paghihiwalay nila ni Tom.

“Did I give away my privacy or some details na hindi dapat? Honestly, hindi madali yung mag-keep quiet and staying silent.

“Hindi madali yun. Sometimes, ang public, they feel like you owe them an explanation or answers,” mariing sabi ni Carla.

Sinubukan naman daw niya na huwag nang magsalita at manatili na lamang tahimik habang pinagpipiyestahan ang nangyari sa kanila ng aktor. Pero kung anu-ano na raw kasing fake news ang naglalabasan.

“I tried my best talaga na di mag salita, to stay silent, kasi di rin naman dahil sa ayaw ko but I owe that rin to myself. Less is more, baka may masabi na hindi maganda,” sabi ni Carla.

Nagpakakasal sina Carla at Tom noong October, 2021 pero makalipas nga lang ang ilang buwan ay naghiwalay din sila.

Carla Abellana natawa sa ginawa ng BBM supporters sa tapat ng bahay niya

Barbie hinamon si AJ Raval: Kung hindi ka kabit ni Diego, magsalita ka

Xian Gaza pumalag kay Barbie: Bakit hindi si Diego ang magsalita sa publiko?

Read more...