Maxene Magalona sa paghihiwalay nila ni Rob Mananquil: ‘Enough is enough…both of us are struggling na’

Maxene Magalona sa paghihiwalay nila ni Rob Mananquil: 'Enough is enough...both of us are struggling na'

Rob Mananquil at Maxene Magalona

NAGPAKATOTOO ang Kapamilya star na si Maxene Magalona tungkol sa estado ngayon ng kanyang lovelife isang taon makalipas ang paghihiwalay nila ng asawang si Rob Mananquil.

Ayon sa aktres, hindi naging madali para sa kanila ng ex-husband ang tapusin na ang kanilang marriage pero mutual at maayos naman daw ang kanilang paghihiwalay.

Sa bagong YouTube vlog ni Toni Gonzaga na in-upload last December 2, nagbigay ng ilang detalye si Maxene about the breakup at kung paano at kailan niya napagtanto na kailangan na nilang maghiwalay ni Rob.

Tugon ni Maxene, “I had that moment where I just… parang naisip ko enough is enough.

“I didn’t feel like I was myself anymore, and I could also see him experiencing that, na parang both of us are struggling na.

“So I was the one who decided na parang, ‘Okay, parang hindi na talaga match,’ and nasabi ko naman lahat iyon sa kanya at naiintindihan niya,” pahayag pa ng aktres.

Paliwanang pa niya, “It was more of a mutual decision, really, that’s why I encourage people to heal before they get married or before they have kids, para hindi natin ito mapasa unconsciously to our kids and to the people around us.”


Ayon pa kay Maxene, naniniwala siya na ibinigay niya ang lahat-lahat sa pagsasama nila ni Rob bilang asawa kaya wala raw siyang pagsisisi kahit nauwi rin sa hiwalayan ang kanilang relasyon.

Nagsimulang kumalat ang balita na nagkakalabuan na ang dating mag-asawa nang i-unfollow ni Maxene si Robby sa Instagram kasunod ang pagbabakasyon sa Boracay.

January 2, 2022 nang mag-post si Maxene sa IG ng cryptic message na, “What you allow is what will continue.”

Last October, kinumpirma na ni Maxene na naghiwalay na sila ni Rob pero wala siyang ibinigay na dahilan kung bakit nasira ang kanilang married life.

Samantala, sunod na tanong ni Toni kay Maxene ay kung may mga nanliligaw na ba sa kanya ngayon at handa na ba siyang makipagrelasyon uli.

Reply ni Maxene, “I will be honest that I have been speaking and forming connections and I want to really connect.

“I don’t want let pain stop me from living my life the way I want to,” dagdag pa niya.

Samantala, nag-post si Maxene ng litrato lila ni Toni sa Instagram kahapon kalakip ang pasasalamat sa lahat ng nag-message at nagkomento sa interview niya kay Toni.

“Woke up to sooo many of your kind words and messages about my conversation with @celestinegonzaga on the @tonishowofficial and I just want to say thank you for helping us spread the message of this episode by sharing it with your friends and family—especially the ones who need to watch it the most.

“More than anything, my intention as a yoga + meditation teacher is really just to raise awareness about the wonders of natural healing. How our pain can actually be alchemized into our power. It’s never too late to become the best version of yourself.

“You can always start your own healing journey and the best time do it is NOW because life is here—life is NOW. Sending you all love and healing energy,” aniya pa.

Maxene na-shock; may nadiskubreng koneksyon sa amang si Francis at asawang si Rob

Paalala ni Maxene sa mga ‘Marites’: Gamitin ang energy sa pagdarasal kesa magtsismisan

Maxene dedma pa rin sa tsismis na hiwalay na sila ni Rob: I’m not here to gossip about my journey…

Read more...