Maxene tinawag na ‘bampira’ ang mga nandamay sa kanya sa tsismis kina Angel at Neil: Grabe sila, pero sige lang…ipagdarasal ko kayo
TINAWAG ng Kapamilya actress na si Maxene Magalona na mga “bampira” ang mga “Marites” sa social media na nagpapakalat ng mga malilisyo at fake news tungkol sa kanya.
Na-headline si Maxene kamakailan matapos madamay sa tsismis na “on the rocks” na umano ang pagsasama ng celebrity couple Angel Locsin at Neil Arce.
Dinenay na ni Neil ang kumalat na pekeng balita at binanatan pa ang mga tsismosa. Sa mga hindi pa nakakaalam, si Maxene ay ex-girlfriend ni Neil.
Aniya sa kanyang Instagram post, “Me and my wife are charitable people. Donation na po namin sa fake news peddlers yang kikitain nila sa pagpapakalat ng fake news.
“Besides deserve naman ng followers and subscribers nila makarinig ng kasinungalingan,” sabi pa niya.
Nag-post naman si Maxene sa kanyang social media account kamakailan na tila patama sa mga taong nagpapakalat ng chika na siya umano ang dahilan ng pagkakalabuan nina Angel at Neil.
Sey ni Maxene sa bagong vlog ng TV host-actress na si Toni Gonzaga, ayaw na niyang patulan at palakihin ang nasabing isyu.
“Nothing can faze me na. Nothing bothers me as much as it used to before. You don’t allow anything to bother you,” sey ng anak ng namayapang Master Rapper na si Francis Magalona.
Hirit na tanong ni Toni, “Na-bother ka ba when nalaman mo when you were involved as the third party sa isang marriage?”
Natawa si Maxene sabay sabing, “Not at all! I live with integrity and I speak my truth fearlessly because I know I’m a woman of my word.”
View this post on Instagram
Walang binanggit na pangalan sina Toni at Maxene sa nasabing vlog tungkol sa umano’y naghiwalay na mag-asawa pero naniniwala ang mga netizens na sina Neil at Angel ang kanilang tinutukoy.
Sundot na tanong ni Toni kay Maxene, bakit hindi niya diretsahang sinagot ang akusasyon sa kanya.
“No, because if I release a statement, then the mga negative energy vampires, iyan yung tawag ko sa inyo (mga Marites) the negative energy vampires will see, ‘Ay, kaya natin siya!’
“Sabi ko, ‘Ay, maraming nanonood ng IG Stories ko, mag-share tayo ng mga mental health tips.’ Yun ang ginawa ko, minental health ko sila.
“’Tsaka grabe yung mga nagsasalita talaga na akala nila talagang totoo yung sinasabi nila,” lahad ni Maxene.
“They believe it talaga, and, for me, if that makes you happy, sige lang. But for me, I pray for them. I really did pray for them,” dagdag pa niya.
Reaksyon ni Toni, “When you know your truth, you have nothing to explain, defend, and prove to anyone.”
Sey uli ni Maxene, “Nothing. And you don’t even have to explain yourself. You have to embody it, you show.”
Maxene tuwang-tuwa nang makapasok uli ng sinehan; nagbigay ng 8 benefits ng regular na pagtakbo
Bossing sa nagpapakalat ng fake news: Hindi natin ‘yan palalampasin, pagbabayaran n’yo yan
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.