HIV cases sa Negros Occidental talamak na, mga awtoridad naaalarma

HIV cases sa Negros Occidental talamak na, mga awtoridad naaalarma

INQUIRER FILE PHOTO

HINDI lang pala COVID-19 cases ang binabantayan ng Department of Health (DOH) sa Negros Occidental, dumadami na rin kasi ang mga bilang ng kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) sa nasabing probinsya.

Inilarawan pa nga ito ni provincial health officer Dr. Ernell Tumimbang bilang “alarming” o nakakaalarmang sitwasyon sa probinsya.

Nanawagan pa si Dr. Tumimbang na importanteng magpasuri agad sa doktor sakaling may nararamdamang sintomas upang magamot kaagad.

“The message we want to send is that it is important to get tested because early detection is the key to treatment and protection,” sey ng provincial health officer.

Ayon pa kay Dr. Tamimbang na kasalukuyan silang nagsasagawa ng community-based HIV screening.

Base sa latest report ng DOH, ang Negros Occidental ay mayroon nang 172 HIV cases mula noong Enero hanggang Setyembre.

At dahil daw diyan ay pumapangalawa na raw ito sa mga probinsyang may pinakamaraming kaso.

Nangunguna ay ang Iloilo province na may naitatalang 210 HIV cases.

Ayon pa sa health department, 50% o kalahati sa mga kaso ay nasa edad 25 hanggang 34.

Ang pinakabata naman daw ay nasa 15 years old.

Sa kabuuan, ang Negros Occidental ay mayroon nang 1,176 HIV cases mula pa noong 1986.

Sabi naman ni provincial HIV/AIDS coordinator Edjohn Javellana, ilan sa mga nagpopositibo sa sakit ay hindi na bumabalik upang magpagamot.

Iginiit din niya na dapat siguraduhing ligtas ang pakikipagtalik upang maiwasan ang pagkakaroon ng HIV.

Ayon sa World Health Organization, ang HIV ay isang impeksyon na sinisira ang immune system o nagpapahina sa depensa ng mga tao laban sa maraming impeksyon.

Related chika:

#GoodVibesLang: Mag-inang magkaklase sabay na nagtapos ng senior high school sa Negros Oriental

Miss Negros Occidental Gwendolyne Fourniol itinanghal na Miss World PH 2022

Higit 100 residente sa Negros Occidental, inilikas

Read more...