“I’M a fan…I’m a fan of Coco Martin, “ito ang paulit-ulit na sabi ng beteranang aktres na si Nova Villa sa ginanap na mediacon sa Dolphy Theater para sa pelikulang “Labyu with an Accent”.
Sa 35 years ni Nova sa ABS-CBN bago siya napunta ng GMA 7 ay hindi niya nakatrabaho pa si Coco at hindi rin sila nagkikita o nagkasalubong man lang sa apat na gusali ng Kapamilya network.
Sa burol pa ng kaibigan nilang direktor na hindi binanggit ang pangalan niya nakita si Coco at doon na nagsimula ang lahat.
“May konting istorya…I’m a fan of Coco! Noon pa sabi ko (sarili), ‘gusto ko ‘tong makasama sana maging anak ko o anumang role. Basta mesmerized ako sa kanya talaga, (bulong ni Manuel Chua nab aka crush) hindi naman crush iba naman ‘yun.
“Hanggang one time sabay baling kay Coco, ‘tandaan mo ‘yung wake?’ (tumango naman ang aktor),” saad ni Nova.
“Meron tayong direktor na sumalangit nawa, e, nandoon siya (Coco), nandoon din ako sa punerarya.”
(Humahaba ang leeg), “Huy si Coco, it’s been my dream to see him in person, sabi ko “huy si Coco gusto ko siyang ma-meet, gusto kong magpa-picture ako! I’m a fan hanggang sa may kinausap akong taga –production. Nandoon ‘yung mga (production people).
Pagpapatuloy pa ni Nova, “Sabi ko, ‘kaibigan mo si Coco?’ sabi nila, ‘oo naman!’ Pa-picture naman ako, sige na tabihan ko. So, I went tapos sabi nila, ‘hayan tumabi ka kay Coco.’
“O di ba, nag-picture tayong dalawa (baling sa aktor) sa punerarya pa? Enjoy na enjoy ako, I kept the picture..hay naku nakapagpa-picture (na rin). I’m a fan.
“And then suddenly, my manager told me, ‘meron offer kayo ni Coco kasama ka.’ Kasama ba ako? ‘oo si Coco ang artista, (and) this one (Labyu with an Accent).
“Three days yata akong (hindi natulog), puwedeng maglambitin si Tarzan sa eyebags ko (muwestra)… kasama ako (hindi makapaniwala).
“So, finally ‘yun na nga. Pero hindi naman kami masyadong nagkasama there’s a scene magkasama kami kasi ako ang lola ni Jodi (Sta. Maria). Lola groovy ako, sige lang magmahal ka lang, mag-enjoy ka sa buhay mo (sabi raw niya sa apo) kasi ganu’n ako.
“Ang anak ko si Michael de Mesa (daddy ni Jodi) at manugang ko si Jacklyn Jose at mga taga-States kami pero ako bumalik ako sa Philippines, hindi ko ma-enjoy do’n, dito ako nag-enjoy ayan nga oh (sabay turo kay Manuel Chua na boyfriend niya),”detalyadong kuwento ni Nova.
Tatawa-tawa naman ang reaksyon ni Coco habang inaalala ni Nova kung paano sila nagsimula at pagkatapos ng kuwento ng komedyana ay hiningan siya ng komento.
“Nu’ng narinig ko ‘yun (fan) nakarating sa akin ‘yun na gusto akong maka-trabaho. PInapakuha ko siya dati hindi lang dito sa project na ito kaso nasa GMA. Hindi ko siya (makuha) kasi si tita Nova naka-contract yata sa GMA hindi siya basta-basta maka ano (makalipat) sa ABS.
“E, dahil ngayon parang open na lahat and then talagang pinakuha ko si tita Nova. Actually, nagkaka-problema nga sa schedule sabi ko talaga, ‘gawan natin ng paraan si tita Nova.’ Say ng aktor.
Anyway, ang “Labyu with an Accent” ay entry ng Star Cinema/ABS CBN Productions sa 2022 Metro Manila Film Festival na mapapanood sa December 25 mula sa direksyon nina Malu Sevilla at Coco bilang si Rodel Nacianciano.
Kasama rin sa pelikula bukod kina Jodi, Manuel, Michael, Jacklyn at Nova ay sina Joross Gamboa, Rochelle Pangilinan, G. Toengi, Rafael Rosell, Donita Rose, Carlo Muñoz, Cheena Crab, Nikki Valdez, Zeus Collins, Neil Coleta, Jojit Lorenzo, Nash Aguas, JJ Quilantang, Iyannah Reyes, Madam Inutz, Jhai Ho, Marc Solis, Jay Gonzaga, John Medina, Bassilyo, Smuglazz at John Estrada.
Related Chika:
Paggaling ni Nova Villa sa COVID-19 isang himala, tuloy ang pagtatrabaho: Talagang Siya lang ang nagbibigay ng lahat ng ito…
Nova Villa ibinandera ang sikreto kung bakit sa edad na 76 ay malakas at mukhang bata pa rin
Nova Villa ginawaran ng Papal award: Lahat ng ginagawa ko sa showbiz may kaakibat na misyon