Korona maagang pamasko ni Miss Tourism Metropolitan International Angelica Pantaliano sa mga Pilipino

Korona maagang pamasko ni Miss Tourism Metropolitan International Angelica Pantaliano sa mga Pilipino

Miss Tourism Metropolitan International Maria Angelica Pantalaiano/ARMIN P. ADINA

NASUNGKIT ni Maria Angelica Pantaliano ang titulo bilang Miss Tourism Metropolitan International sa 2022 Miss Tourism International pageant sa Malaysia noong Nob. 25, isang buwan bago ang araw ng Pasko, kaya inihahandog niya ang korona niya sa mga Pilipino bilang maagang pamasko.

“Philippines, thank you very much for rallying behind me. Thank you for your prayers and support, I wouldn’t be here standing in front of you and achieving this crown without your help. So maraming, maraming salamat po,” sinabi niya sa Inquirer sa isang panayam sa victory press conference na ipinatawag sa CWC Interiors sa Bonifacio Global City sa Taguig City noong Dis. 1.

Itinuturing din ng Cebuanang reyna ang korona bilang regalo sa ina niyang si Carmen, na nagdiwang ng kaarawan bago ang araw ng patimpalak. “She wished for me to win the crown, not just for my dreams but also for her, because she wanted me to have a crown wherein people would really see my effort as an individual and people will also value me,” ibinahagi niya.

Sinabi ni Pantaliano na balak niyang gamitin ang titulo upang magsulong ng pagkakaibigan at kapayapaan. “Peace is very important nowadays. If we could just communicate to one another then we can unite a divided nation,” aniya.

Itinalaga siya ng Mutya ng Pilipinas organization bilang kinatawan ng Pilipinas sa Malaysia ilang linggo lang bago ang patimpalak. Kasalukuyan pa lang gumugulong ang pambansang pageant kaya wala pang napipiling kandidata ang bansa noong panahong iyon.

Semifinalist si Pantaliano sa pambansang patimpalak noong 2019, ang huling pagtatanghal ng Mutya ng Pilipinas pageant bago nagpahinga noong 2020 at 2021 dahil sa COVID-19 pandemic.

 

Mutya ng Pilipinas President Cory Quirino (kaliwa) at Miss Tourism Metropolitan International Maria Angelica Pantaliano/ARMIN P. ADINA

 

Sinabi ni Mutya ng Pilipinas President Cory Quirino sa Inquirer na umaasa siyang makapaghahatid ng pag-asa ang pagkakapanalo ni Pantaliano.

“That crown is a symbol not just of achievement but of hope, especially hope to a young aspiring beauty queen who has always wanted a crown on her head. Dreams do come true. If she did not win a major crown in 2019, look at what has happened with her life. A door opened, she accepted our invitation humbly but willingly and she came home a queen with a big crown,” ibinahagi ni Quirino.

Sinabi niyang pinaaalalahanan niya ang mga kasalukuyang kandidata na humugot ng inspirasyon sa kuwento ni Pantaliano. “That’s a message to all aspiring queens: Sometimes you think that you lost in a pageant, it might just only be a detour to a bigger crown,” ani Quirino.

Ang Pilipinas ang pinakamatagumpay na bansa sa Miss Tourism International pageant na may limang panalo—sina Peachy Manzano noong 2000, ang yumaong si Rizzini Alexis Gomez noong 2012, Angeli Dione Gomez noong 2013, Jannie Loudette Alipo-on noong 2017, at Cyrille Payumo noong 2019.

Maliban kay Pantaliano, ilang Pilipina rin ang nakasungkit ng subsidiary titles—sina 2010 Miss Tourism Cosmopolitan Barbie Salvador, 2014 Miss Tourism Metropolitan International Glennifer Perido, at 2018 Dream Girl of the Year Aya Fernandez.

Sa patimpalak nitong 2022, nasungkit ni Suphatra Kliangprom mula Thailand ang korona bilang Miss Tourism International.

 

Related Chika:
Mutya ng Pilipinas Angelica Pantaliano kinoronahang Miss Tourism Metropolitan International sa Malaysia

Miss Universe PH Tourism 2021 Katrina Dimaranan babu na sa mga pageant, kinakarir ang pagiging nurse sa US

Tagapagmana ni Mrs. Tourism Universe Hemilyn Escudero-Tamayo kokoronahan na

3 bagong kinatawan ng Pilipinas sa international pageants ipinakilala na

Read more...