Dolly de Leon
IN HIGH spirits pa rin ang Filipina actress na si Dolly de Leon matapos makatanggap ng malakas na palakpakan at papuri sa mahusay niyang pagganap sa international film na “Triangle of Sadness” sa ginanap na advance screening nito sa Edsa Shangri-La kahapon.
Ang nasabing pelikula ay naging opening feature sa 2022 QCinema International Film Festival na ginanap nitong Nobyembre 17, sa Gateway Cineplex, Cubao, Quezon City.
Nanalo na ang “Triangle of Sadness” ng Palme d’Or sa 75th Cannes International Film Festival sa France noong Mayo, 2022.
Idinirek ng Swedish director na si Ruben Ostlund, ang “Triangle Of Sadness” ay isang “class warfare comedy” o satire na pinapurihan ng international critics sa Cannes.
Ayon kay Dolly, “Let’s spread the world na panoorin ang movie na talagang maganda.”
Isang toilet manager ang karakter ni Dolly bilang si Abigail sa luxury crew ship pero nu’ng lumubog na ang barko at napadpad sila sa isla na walang tao kaya kinailangan niyang manghuli sa dagat para may pangtawid gutom sila.
At dahil si Abigail lahat ang gumagawa ay nagsabi siyang siya ang kapitan bilang siya naman ang nakaka-delihensiya ng kakainin nila.
Sa husay na ipinakita ni Dolly bilang si Abigail ay may posibilidad na ma-nominate siya sa Oscars 2023. Pero siyempre kailangang ma-push din ito ni Dolly para mapabilang siya.
“Naka-break muna ako, so ‘yung director muna namin ang nangangampanya.
“Dito muna ako sa Pilipinas, dito ako magpa-Pasko, magnu-New Year, magtatrabaho nang kaunti. Magwo-work muna,” saad ng aktres.
Samantala, mapapanood na ang “Triangle of Sadness” sa bukas, Nobyembre 30 sa mga sinehan released and distributed ng TBA Studios.
Dolly de Leon pasabog ang role sa ‘Triangle of Sadness’, binigyan ng standing ovation sa opening ng 10th QCinema filmfest
Netizens kinilig sa namumuong love triangle sa ‘Ang Probinsyano’
Herlene Budol, Buboy Villar naka-jackpot na naman; bakit pinahaba ang exposure sa ‘False Positive’ nina Glaiza at Xian?