Ina Feleo kailangang mag-ingat sa pagwo-workout, na-diagnose ng ‘disc bulge’

Ina Feleo kailangang mag-ingat sa pagwo-workout, na-diagnose ng ‘disc bulge’

PHOTO: Instagram/@ina_feleo

MAY bagong update ang Kapuso actress na si Ina Feleo tungkol sa kanyang kalusugan.

Ibinunyag niya sa social media na-diagnose siya ng “disc bulge,” isang kondisyon sa spine na tinatawag ding “slipped disc” kung saan ay nakausli ang outer layer ng kanyang disc.

Ayon pa sa aktres, dahil sa kanyang karamdaman ay kailangang na niyang mag-ingat sa mga ginagawang exercise.

Dapat daw niyang bawasan ang pagwe-weights at mag-focus na lamang sa mga magagaan na ehersisyo, tulad ng pilates at yoga.

Sey ni Ina sa kanyang Instagram post, “Diagnosed with a disc bulge so I need to lessen my weights and focus more on low-impact exercises like Pilates and Yoga, or just chilling by the beach”

Maraming netizens naman ang napa-comment sa kanyang post at tila nagbigay ng motivation tungkol sa kanyang pangangatawan.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“Your body is perfect. So are your beautiful face and soul (red heart emoji)”

“Paaakk!! (fire emoji)”

“Goals! Ang sexy namaaaaan (red heart emoji)”

Isa si Ina sa mga ikinokonsiderang “fitness goals” ng madlang pipol.

‘Yan ay dahil na rin sa mga workout routines at training programs na madalas ibahagi ng aktres sa kanyang social media accounts.

Kamakailan lang ay binalikan ni Ina ang kanyang pagfi-figure skating na ayon sa kanya ay kanyang first love at unang passion bago mag-artista.

Naikuwento pa nga niya na talagang kinakarir niya ang pagte-training noon ng figure skating dahil ang kanyang ultimate dream nga ay ang maging Olympic figure skater para mabigyan ng karangalan ang Pilipinas.

Sa katunayan, ang mga ice skating rinks ang naging second home niya noong kanyang kabataan.

Related chika:

Ina Feleo naadik sa figure skating: Ang dream ko talaga noon maging Olympic champion

Ina Feleo puring-puri si Yasser Marta: Naaalala ko ‘yung sarili ko sa kanya nu’ng nagsisimula ako

Ina Feleo nagpakasal na sa dyowang Italian; 20 lang ang imbitadong guest 

Read more...