TALAGA nga namang magiging happy ang pasko ng mga residente ng Pasig City!
Dahil ngayon pa lang, ramdam na ang “Pamaskong Handog” program ng lokal na pamahalaan.
Nag-umpisa na silang magbahay-bahay at mamigay ng Christmas food packs.
Ayon sa Facebook post ng Pasig City Public Information Office, ang bawat pamilya ay kailangang may “PasigPass” QR Code para mabigyan ng food packs.
Bukod pa riyan ay kailangang magpakita ng “proof of identity.”
Base sa mga nakalap naming chika, ang laman ng bawat Christmas food packs ay canned goods, pasta, chocolate drinks, at marami pang iba.
Sinabi rin ng Pasig City PIO, ibabandera nila sa kanilang Facebook page ang mga lugar ng kanilang pamamahagi kada araw.
Narito ang ilan sa mga paalala ng LGU:
1. Araw-araw ang posting ng schedule ng Pamaskong Handog distribution. Ipo-post ito tuwing umaga sa mismong araw ng scheduled distribution.
2. Bahay-bahay ang distribution. Hintayin sa bahay ang distribution team.
3. Isang pamilya, isang PasigPass QR Code, isang Pamaskong Handog. Kung may tatlong pamilya sa isang bahay, tatlong PasigPass QR code ang kailangan ipa-scan, at tatlong Pamaskong handog packs ang matatanggap.
4. Maghanda ng proof of identity. Bawal gamitin ang PasigPass QR code ng ibang tao.
5. Kapag walang naabutang tao sa bahay, mag-iiwan ang distribution team ng Form na may instruction kung paano maike-claim ang Pamaskong Handog.
6. May ibang schedule ng distribution ang mga condominium. Nakikipag-ugnayan ang Pamaskong Handog Team sa condominium administrators.
Maraming netizens na rin ang nag-comment sa unang post ng Pasig City PIO tungkol sa distribution ng food packs at mababasa na karamihan sa kanila ay masayang-masaya na nakatanggap na ng pamaskong handog mula sa kanilang LGU.
Related chika:
Alden sa Pinas magpa-Pasko kasama ang pamilya; Bea may Christmas pa-bingo sa pag-aaring farm
#PaskoNa: Ilang celebrities kanya-kanyang paandar sa pagde-decor ng Christmas tree
Para kay Melai Cantiveros ‘di dapat mawala si Hesus sa pagdiriwang ng Pasko