NAPATILI ang aktres at dating beauty queen na si Ruffa Gutierrez nang matanong kung gusto pa ba niyang mabuntis at manganak.
Nakachikahan ng mga miyembro ng entertainment media si Ruffa kasama sina Mariel Rodriguez at Ciara Sotto kamakailan para sa bago nilang programa sa ALLTV 2, ang “M.O.M.S.” o “Mhies On A Mission.”
At dahil “M.O.M.S” nga ang title ng bagong show ng tatlong celebrity mom sa ALLTV, natanong sila kung gusto pa ba nilang magka-baby.
Mabilis na sagot ni Ruffa, “Ako? No! Before, I was thinking about freezing my eggs, mga 5 years ago and buti hindi ko ginawa. Kasi mahirap magpaaral ng mga anak na single mom ka.”
Grabe nga raw ang pasasalamat niya sa Panginoong Diyos dahil sa mga blessings na natatanggap niya lalo na ang pagbibigay sa kanya ng kakayahang pag-aralin ang dalawa niyang anak na sina Lorin at Venice sa magandang eskwelahan.
“Kaya ako kumakayod actually, kasi nga, my kids are now going into college, mahal din ang college na gusto nila, kasi gusto nila sa abroad.
“So, hindi na siguro. Siguro naman, kung sino ‘yung magmamahal sa akin, mamahalin ako nang buong-buo.
“Hindi na namin kailangang magkaroon ng anak para i-prove ‘yung pagmamahal namin sa isa’t isa,” pahayag ni Ruffa.
Para naman kay Ciara na may isang anak sa dati niyang asawa, keribels na sa kanya ang unico hijo niyang si Crixus, “Pero kung dumating pa, sige lang, why not?”
Sey naman ni Mariel, okay na sa kanya ang dalawa nilang anak ni Sen. Robin Padilla na sina Isabella at Gabriella.
“Yung 2 girls, alam mo ‘yun, it’a a lot. Totoo po ‘yung sinabi ni ate Mhie (Ruffa), mahal po magpaaral talaga. So, we have to think of those things also,” chika ni Mariel.
Samantala, super excited na sina Ruffa, Mariel at Ciara sa unang pagsasama-sama nila sa isang show at perfect daw sa kanila ang konsepto nito dahil lahat sila ay mga nanay na.
Pero kahit daw ito ang unang pagkakataon na gumawa sila ng TV show, nag-click agad sila on screen at wala ring awkwardness dahil matagal na silang close sa isa’t isa.
Abangan daw ng viewers ang mga paandar na challenges na hinarap ng tatlong mommy sa bawat episode ng show kabilang na riyan ang mga exclusive interview nila sa mga sikat at controversial celebrities.
Magsisimula na ang “M.O.M.S.” sa November 28, 11 a.m. to 12 noon sa ALLTV 2.
Ruffa umamin na sa tunay na relasyon nila ni Herbert: #1 sa puso ko!
Aiko Melendez kering-keri pang magbuntis at manganak: Maganda ang lahi ko, in fairness!
Panganganak ni Melissa Gohing parang eksena sa pelikula: May ‘slow mo’ moment effect sa paligid