RR Enriquez sa ‘paglantad’ nina Paolo Contis at Yen Santos: Time is the ultimate truth teller

RR Enriquez sa 'paglantad' nina Paolo Contis at Yen Santos: Time is the ultimate truth teller
MULI na namang nagbigay ng opinyon ang “Queen SawsaweRRa” na si RR Enriquez patungkol sa tila’y “lantaran” na relasyon nina Paolo Contis at Yen Santos.

Sa kanyang YouTube vlog ay ibinahagi niya ang kanyang opinyon sa rumored couple na magkasamang nag-celebrate ng birthday at pagkapanalo ni Yen bilang “Best Actress” noong November 17 na ipinagkaloob ng 45th Gawad Urian Award para sa kanyang pagganap sa “A Faraway Land”.

Matatandaang tuluyan na ngang nag-post si Paolo sa kanyang Instagram ng larawan nilang magkasama at ang caption pa ay “Happy Birthday My Best Actress”.

“Eh kasi naman, last year pa yata alam na ng lahat na sila na yata talaga but hindi pa rin umaamin. May nakakita na nga sa Baguio na nakayakap, nakaakbay, pero as a friend lang daw… ngayon kaya, as a friend pa rin kaya itong mga ‘to?” saad ni RR.

Nag-ala Bea Alonzo pa nga ang TV personality-turned-vlogger at sinabi ang mga kataga nitong “Time is the ultimate truth teller”.

Sey ni RR, “Time is the ultimate truth teller kaya naman kayo na ang bahalang humusga… Kayo na ang bahalang mag-isip kung tama ba ang ating mga haka-haka. Kung tama ba ang ating pag-ooverthink dito sa dalawang ‘to.”

Dagdag pa niya, “I think sa ngayon hindi na tayo mag-ooverthink kasi sa ngayon lumantad naman sila.”

“Pero alam n’yo, with Paolo and Yen, sa totoo lang, wala namang taong perpekto. May mga taong nai-in love while they’re still in a relationship. Kaya nga nagkakaroon ng salitang cheating or ghosting.”

Hirit naman ni RR, wala naman daw talgagang taong perpekto at mayroon talagang pagkakataon na napo-fall out of love ito sa ka-relasyon o di kaya’y biglang may magugustuhang iba.

“Pero alam n’yo, with Paolo and Yen, sa totoo lang, wala namang taong perpekto. May mga taong nai-in love while they’re still in a relationship. Kaya nga nagkakaroon ng salitang cheating or ghosting,” lahad niya.

Pagpapatuloy pa niya, “Sa panahon ngayon, ang hirap talagang makontento ng isang tao. And hindi mo rin maiiwasan na may babaeng malandi, may lalakeng malandi. Babaeng cheater, lalaking cheater. Babaeng mahilig maglaro sa apoy, Lalaking mahilig maglaro sa apoy. Babaeng natukso, Lalaking natukso. Hindi na natin ‘yan maiiwasan sa panahon ngayon.”

Hiling naman ni RR na sana ay dumating rin ang panahon na sana’y humingi ng paumanhin ang dalawa sa mga nasaktan nila lalo na ang aktres na si LJ Reyes, dating karelasyon ni Paolo at ina ng anak niyang si Summer.

 

Related Chika:
Paano nga ba nag-umpisa ang pagiging ‘sawsawera’ ni RR Enriquez?

RR Enriquez ‘nakisawsaw’ sa isyu nina Paolo at Yen: Don’t us

RR Enriquez sa mga kapwa sawsawera: Utang na loob, gamitin n’yo yung maganda kong pictures

RR Enriquez hindi bet si Skusta Clee para kay Zeinab: Hindi naman siya ganu’n kaguwapuhan

Read more...